RR Enriquez and Jeck Maierhofer apologize after getting bashed for insensitive video post

Nalalagay ngayon sa labis na pambabatikos mula sa netizens ang dalawang hosts ng Happy Wife, Happy Life na sina RR Enriquez (kaliwa) at Jek Maeirhofer dahil sa isang video post kung saan makikitang pinagtatawanan at binusinahan nila ang isang pasahero sa isang commuter van na tulog na tulog.


Humingi ng paumanhin ang Happy Wife Happy Life hosts ng TV5 na sina RR Enriquez at Jeck Maierhofer matapos silang batikusin at kutyain ng netizens matapos lumabas ang isang video nila sa Facebook account ng Top Gear.

Makikita sa one-minute video na pinagtawanan nina RR at Jeck ang isang commuter na sakay ng isang pampasaherong van, matapos businahan ito nang malakas ni RR.

Sandamakmak na komento ng galit at pagkainis sa dalawa ang makikita sa comment section ng naturang video post.

Read: RR Enriquez and Jeck Maierhofer get bashed by netizens for honking loudly at sleeping passenger


THE APOLOGY. Matapos ang ilang oras simula nang naging viral ang naturang video, tila natauhan sina RR at Jeck sa kanilang ginawa.

Sa pamamagitan ng Instagram, kanya-kanya ng hingi ng sorry ang dalawa sa naturang unknown passenger at sa mga taong nasaktan nila sa kanilang post.

Ayon kay Jeck, hindi naging makatao ang kanyang ipinakitang ugali sa naturang video kaya humingi siya ng taus-pusong paumanhin.

Saad niya, “I sincerely and wholeheartedly apologize for my inappropriate behavior in the video that has offended many.

“Sana po ay inyong tanggapin ang aking taos pusong pag hingi ng tawad sa lahat lalo na po sa mama na nasa loob ng van.

“This incident has taught me to be more sensitive towards people's feelings and be more responsible for my actions.

“Tao lang po ako, hindi po ako perpekto, thank you sa lahat ng nagmessage, thank you sa asawa ko na hindi ako jinudge at niyakap ako, yan lang po talaga ang kailangan ko ngayon.

"Again, sorry po ulit.”

Sa kabilang banda, isang Bible scripture naman ang ibinahagi ni RR sa kanyang Instagram.

Kasunod nito ang kanyang mahabang paliwanag (posted as is):

“Para sa mga taong super maka judge. Yan ang message ko sa inyo. If anyone of you is without sin, let him be the first to throw a stone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When i woke up this morning a received a lot of message on my facebook and instagram account because of what i posted the other day..

“Yung nag trip kami ni tih @jeckmaierhofer sa passenger na natutulog.. Nag honk kami para magising sya.. At first i thought it was funny.

“Some people took it seriously, some people think its funny.. Kanya kanyang comment.. But now i can honestly say Yes you are rights its rude..

“Nabreak din yung heart ko when i realized na siguradong pagod yung guy na yun kaya sya nakatulog and yet ayun inisteal pa namin yung konting tulog na magagawa nya sana😥 Sometimes we tend to do things dahil akala natin funny..

“We do things ng hindi muna tayo nag iisip and i must say im one of them..

“I usually post funny video of myself as in balahura talaga.. Because i just want to entertain everyone.

“And i must say this is the first time na ininvolve ko yung ibang tao.. And its a lesson learned for me but hello who are you to judge me?

“And question my faith as a Christian? Yes i am a Christian but that doesn't mean na im perfect na! That's why i need God in my life kasi nga im not perfect.

“If perfect na ako wala na magiging mayabang na ako kay God at iisipin ko na ako na si God.

“I must admit sobrang bully and naughty ko before and im super maldita pa but hello i know i changed a lot.

“But sometimes may magagawa ka talaga sa life mu na mali kasi nga walang perfect.

“Ang importante you learn how to humble yourself and admit yung maling ginawa mu. So sa mga taong mapanghusga jan..

“Pansinin nyo muna yung sarili nyo kung minsan ba wala kayo nagawang nauthy sa life nyo? Grow up also.. Thank you and let God judge me..

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And i guess lesson learned na sa akin ito.. Next time isip isip din dapat ako before i post or do something😪🙈 Again sorry and love love love❤️❤️❤️😘”

Para sa mga taong super maka judge. Yan ang message ko sa inyo. If anyone of you is without sin, let him be the first to throw a stone. When i woke up this morning a received a lot of message on my facebook and instagram account because of what i posted the other day.. Yung nag trip kami ni tih @jeckmaierhofer sa passenger na natutulog.. Nag honk kami para magising sya.. At first i thought it was funny. Some people took it seriously, some people think its funny.. Kanya kanyang comment.. But now i can honestly say Yes you are rights its rude.. Nabreak din yung heart ko when i realized na siguradong pagod yung guy na yun kaya sya nakatulog and yet ayun inisteal pa namin yung konting tulog na magagawa nya sana😥 Sometimes we tend to do things dahil akala natin funny.. We do things ng hindi muna tayo nag iisip and i must say im one of them.. I usually post funny video of myself as in balahura talaga.. Because i just want to entertain everyone. And i must say this is the first time na ininvolve ko yung ibang tao.. And its a lesson learned for me but hello who are you to judge me? And question my faith as a Christian? Yes i am a Christian but that doesn't mean na im perfect na! That's why i need God in my life kasi nga im not perfect. If perfect na ako wala na magiging mayabang na ako kay God at iisipin ko na ako na si God. I must admit sobrang bully and naughty ko before and im super maldita pa but hello i know i changed a lot. But sometimes may magagawa ka talaga sa life mu na mali kasi nga walang perfect. Ang importante you learn how to humble yourself and admit yung maling ginawa mu. So sa mga taong mapanghusga jan.. Pansinin nyo muna yung sarili nyo kung minsan ba wala kayo nagawang nauthy sa life nyo? Grow up also.. Thank you and let God judge me.. And i guess lesson learned na sa akin ito.. Next time isip isip din dapat ako before i post or do something😪🙈 Again sorry and love love love❤️❤️❤️😘

A photo posted by FOLLOW @THEGOODNEWS (@realrrenriquez) onFeb 7, 2015 at 8:27pm PST

Pero hindi ikinatuwa ng ibang netizens ang sobra raw na “pagdakdak” ni RR sa kanyang paliwanag imbes na simpleng "sorry."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN