Kylie Padilla admits seeing ex-BF Aljur Abrenica; denies reconciliation

Kylie Padilla describes her current relationship with ex-BF Aljur Abrenica. “Hindi ko talaga alam, e. Hindi ko iniisip yun. Basta kaibigan ko siya, nagkikita kami.”


Suportado ng buong pamilya ni Kylie Padilla ang pagsali niya sa Chan Lim’s Chinese Painting Exhibit na binuksan Linggo ng hapon, February 8, sa may lobby ng SM Aura, Bonifacio Global City, Taguig.

Dumating ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez kasama ang kapatid ni Kylie na si Ali.

Dumaan din ang ina ni Kylie na si Liezl Sicangco na nagbakasyon dito sa Pilipinas ng ilang linggo.

Hindi nagtagal si Liezl dahil kailangan na raw niyang tumuloy ng airport dahil kanina rin ang balik niya sa Australia kasama si Ali. Kaya hindi sila nagkita sa SM Aura ni Robin.

Sabi ni Kylie, dapat ay magdi-dinner pa silang lahat, pero hindi na ito natuloy.

Doon sa painting exhibit ay naka-display ang painting ni Kylie sa isang porcelain plate.

Proud si Robin sa isa pang talent ni Kylie na pagpinta.

Pagmamalaki ni Robin, “Kung naalala niyo yung Joaquin Bordado noong araw, drawing niya yun.

“Sa painting, marami siyang mai-express diyan. Lahat ng hinanakit niya, diyan niya nilalabas.”

SEEING ALJUR AGAIN. Sa panayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kylie, inamin niyang mayroon siyang painting na naibigay noon sa dati niyang boyfriend na si Aljur Abrenica.

Inamin din niyang nagkikita sila paminsan-minsan.

Pero nang tanungin namin siya kung totoong nagkabalikan sila ng aktor, hindi naging maayos ang sagot niya.

Sabi ni Kylie, “Hindi naman.

“Friends lang... ewan ko, hindi ko alam kung ano ang tawag dun.”

Umiling si Kylie nang tinanong namin kung sinusuyo ba siya ni Aljur na magkabalikan sila.

Hindi rin niya masagot nang maayos kung may posibilidad na magkabalikan silang dalawa.

“Hindi ko talaga alam, e. Hindi ko iniisip yun.

"Basta kaibigan ko siya, nagkikita kami,” pahayag pa niya.


NO RECONCILIATION. Ipinaalala namin sa kanya ang payo ng ina niyang si Liezl Sicangco na huwag na siyang makipagbalikan at mauulit lang daw uli ang ginawa sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Kylie tungkol dito, “I keep that in mind. Pero like I said, wala naman, e.

“Hindi ko naman talaga alam, e. Basta naramdaman ko lang na dapat hindi.

“Hindi ko masyadong binibigyan ng time ‘yan.”

Tinanong na rin namin kung ano ang nararamdaman niya kapag magkasama silang lumalabas ni Aljur.

Sagot ng 22-year-old actress, “Hindi ko talaga alam. Basta yun na yun… wala.

“Kasi naman ako, 'di ba, madaldal naman ako 'pag ano… basta ngayon steady lang.”


NOT FOCUSED ON LOVELIFE. Alam naman daw ng kanyang ama ang mga nangyayari, pero hindi na raw siya pinapakialaman nito.

“Hinahayaan na lang ako ni Papa, e,” sagot ni Kylie, at sinang-ayunan naman niya ang sinabi naming may tiwala sa kanya ang ama.

“Alam naman ng Papa kung ano ang gusto ko, e.

“Ang gusto ko na ngayon, mag-travel, mas maraming friends. Ayoko na mag-focus sa lovelife.

"Kaya kung ano yung sinabi kong yun, yun na lang talaga yun."

Dagdag niya, "Siyempre nagma-mature na tayo, e.

“Siyempre, 'pag in love ka, dun ka na naka-focus.

"Enjoy life na muna."

Sinubukan din naming tanungin si Robin tungkol sa isyung pagbabalikan nina Aljur at Kylie, pero hindi ito sumagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN