Ken Alfonso admits crush on Kylie Padilla: “Sobrang ganda niya.”

Ken Alfonso portrays offbeat character role in Kailan Ba Tama Ang Mali?


Kung dati-rati, si Sam Pinto ang madalas mabanggit ni Ken Alfonso na crush o gusto niyang makapareha, tila nabaling na ang kanyang pagtingin kay Kylie Padilla.

Paliwanag ng Kapuso singer-actor, “Ako, original ko talaga, si Sam Pinto.

"Pero nakakasama ko po kasi si Kylie sa Sunday All Stars, nakikita ko siya.”

Attracted siya kay Kylie?

“Hindi naman po, parang nakikita ko lang po, feeling ko lang po, parang maganda ang team-up with her.

“Kasi sobrang puti niya, 'tapos moreno naman po ako.

“'Tapos one time, isinama ko ang sister ko sa SAS, tinanong ko siya kung sino ang maganda.

"Ang itinuro niya po, si Kylie rin."

Mahilig ba siya sa mga mestiza?

Ayon kay Ken, “Ako po talaga, ang gusto ko sa babae, parang si Sam nga po na sexy, matangkad, mahaba ang buhok.

"Hindi naman po kailangang maputing-maputi.

"Pero si Kylie po kasi, sobrang ganda niya po."


HANDLING BASHERS. Kahit baguhan, hindi rin nakaligtas si Ken sa ilang bashers. Karamihan pa ng mga sinasabi sa kanya ay personal.

Paano niya naha-handle ang mga ito?

Sagot ni Ken, “Well, at first talaga, medyo... siyempre tao lang tayo, nasasaktan.

“Siguro yung first few weeks, masamang-masamang-masama ang loob ko.

"There was a time na, feeling ko, hindi ko na itutuloy ang showbiz."

Ano yung atake sa kanya na muntik na niyang hindi ituloy ang pag-aartista?

Aniya, “Ako, okey lang ako na i-bash ako. Pero yung idadamay ang family ko.

“May nagsabing bad influence yung kapatid ko sa akin. Gumagamit daw ng bawal na gamot... ang dami po.

“Ayoko pong madamay ang family ko kaya sabi ko nun, ayoko na.

“Ituloy ko na lang kaya ang corporate job ko.

"E, ganun po pala, kahit na anong sabihin nila sa ‘yo, wala silang pakialam.”

Pero natuto na rin daw siyang bahagi talaga yun ng pinasok niyang mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iniisip ko na lang po, kahit naman sa office, may mga intriga rin.

"Lalo na sa showbiz, siyempre mas grabe po.

"It’s part of life po,” saad niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken sa pictorial ng bago niyang iniendorsong spa, sa Atlanta Building, Greenhills, San Juan City, noong February 5

AIMING FOR THE BEST. Wala pang isang taon ang nakalilipas mula nang pumirma si Ken sa GMA Network. Pero masaya raw siya dahil ilang teleserye na ang nagawa niya.

Pagkatapos ng Dading, ngayon ay kasama siya sa afternoon soap na Kailan Ba Tama Ang Mali?

Ayon kay Ken, “Sobrang saya ko po kasi iilan lang naman po ang nabibigyan ng opportunity kaya ginagawa ko naman po ang lahat.”

Sa ngayon, puro supporting roles pa lang ang natotoka kay Ken. Pero hindi niya itinangging pangarap din niyang makagawa ng lead roles.

“Siguro po, kahit saan naman tayong mapuntang path, we’re actually aiming for the best.

"And what I know so far, it’s best to have a character as a lead.

“Ini-aim ko rin po yun, pero sa ngayon po, kailangan ko munang magpatunay sa GMA kung ano po ang kaya ko at maipakita sa kanila.”


ROLE. Nag-e-enjoy raw si Ken sa Kailan Ba Tama Ang Mali?, na magsisimula nang mapanood ngayong Lunes, February 9.

Sabi niya, “Enjoy po akong talaga.

"Bukod sa may bagong character ako, marami rin akong nakikilalang mga bagong kaibigan sa production.

"Mababait din sila kagaya dati sa Dading.”

Ginagampanan ni Ken sa Kailan Ba Tama Ang Mali? ang papel ni Tomas, matalik na kaibigan ni Dion Ignacio.

May pagkakontrabida ang karakter ni Dion kaya nasa “dark side” din si Ken, na malayo sa kanyang maamong mukha at pagiging palangiti.

“Yun nga po, kaya medyo naninibago ako.

“Ang hirap din po 'tulad ng kailangan, smile ka ng half-half lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At isa pa po, Inglisan nang Inglisan!" natatawa niyang sabi.

Wala namang problema kay Ken ang mga English na linya dahil tapos na rin siya ng kolehiyo.

Sa kanilang dalawa, si Dion ang aminadong challenge sa ang role na mayaman at panay English halos ang mga binibitawang linya.

Kuwento ni Ken, “Actually, si Dion, nakakatuwa siya dahil mabait talaga siya.

"Nanghihingi rin sa akin ng advise kahit na hindi pa naman ako katagalan sa showbiz.

"Nagtatanong siya kung ano ang tamang delivery ng line, lalo na kung may unfamiliar words."

Ano pa ang nakikita niyang challenge sa kanyang karakter?

“Kunsintidor po. Sa totoong buhay, hindi naman po ako kunsintidor.

“Kahit masama, ipu-push ko si Dion. First time kong gumanap ng role na ganun.

"So far, so good po. Iniisip ko na lang na galit po ako.

“Pero kung minsan, sinasabihan nila ako, 'Nakakaloka ka, bakit ka nakangiti?'” natawa niyang kuwento.


MANAGING HIS EXPECTATIONS. Tinanong namin si Ken kung “patient” ba naman siya at walang ibinibigay na oras sa sarili o sa career niya na dapat ganito o nasa ibang estado na siya.

Tugon niya, “Well, before talaga, sine-set ko ang goal ko.

“But as I go into this industry kasi, sabi nga nila, hangga’t hindi umiikot ang camera, maraming puwedeng mangyari.

“Marami akong expectations talaga, pero hindi yung nagse-set as my goal talaga.

“May particular timeline ako, pero so far so good, at nakikita ko namang nag-a-up ang career ko with Mercator and GMA.

“Hindi naman po ako nagmamadali and as long as may improvement at may progression.

“At saka, sobrang bago ko pa lang naman po. Kailangan ko naman po na marami pang matutunan.”

SINGING TALENT. Bukod sa pag-arte, kumakanta rin si Ken. Sa katunayan, may single na siyang nai-record.

Pero ano ba talaga ang mas gusto niyang gawin—ang pag-arte o pagkanta?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Well, sa ngayon po, focus po kami sa acting dahil sunud-sunod naman po yung project ko sa acting.

"Pero yung singing, it follows po. Gusto ko rin po kasing i-enhance yung singing career ko.

“Basically po, iilan lang din naman po kasi yung actor and at the same time, singer.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN