Pokwang confirms relationship with Hollywood actor Lee O’Brien: “Sana ito na.”

Pokwang reveals that on the first day of shooting of their film Edsa Woolworth, her leading man Lee O’Brien was already attracted to her.


"Every other day siya ang nagsasabi na kailangan kaming mag-usap."

Ito ang pagbubunyag ni Pokwang tungkol sa relasyon nila ng kanyang leading man sa pelikulang Edsa Woolworth—si Lee O'Brien.

“Sana ito na…” sambit pa ni Pokwang matapos niyang kumpirmahin ang pagkakamabutihan nila ng American actor.

Se episode ng Kris TV ngayong Lunes, February 9, ikinuwento ni Pokwang kung paano nabuo ang relasyon nila ng kanyang leading man.

First shooting day pa lang daw ng pelikula ay nakaramdam na ng atraksiyon si Lee sa kanya, subalit naging professional daw ang American actor dahil ayaw niyang magkailangan sila sa kanilang mga eksena.

Patuloy ni Pokwang, “'Tapos, nung last shooting day, so uuwi na ako the next day, ayun na, hindi siya umaalis sa tabi ko.

“'Tapos parang sinabi niya na, ‘[Sana] papuntahin kami sa Pilipinas para mag-promote kami ng movie.’”

Inusisa ni Pokwang kung yun daw talaga ang dahilan ni Lee kaya gusto nitong pumunta sa Pilipinas.

“'Tapos ngumiti siya,” sabi pa ng komedyana.

Umuwi si Pokwang sa Pilipinas, pero bumalik sa Amerika pagkatapos ng halos dalawang linggo para sa isang concert sa San Diego. Doon ay pinuntahan daw siya ni Lee.

Muli raw inulit ni Lee ang kagustuhan niyang makapunta ng Pilipinas para makapag-promote ng pelikula nila.

Hindi nagtagal, ibinalita ng direktor ng pelikula na si John-D Lazatin na pupunta sa Pilipinas si Lee at ang fellow American actor na si Steven Pohl, na kasama rin sa pelikula, para mag-promote.


THE ADMISSION OF FEELINGS. Nang dumating daw si Lee sa Pilipinas, naghanda si Pokwang sa kanyang bahay kasama ang cast and crew ng pelikula.

Lahad niya, “Nag-dinner-dinner muna sa bahay.

"Kitang-kita ko talaga yung saya niya [Lee] sa lahat ng nangyayari, na magkakasama kami ulit, kumpleto yung grupo ng Woolworth, 'tapos nakain na naman yung favorite na Filipino dish."

Pagkatapos daw ng premiere night, tumungo sina Lee at Steven sa Boracay kung saan sila nanatili ng tatlong araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Three days after, bumalik ng Manila, so ayun na, nagkasaralinan kaming dalawa.

"May quality time kami para mag-usap kung, ‘Ano ba talaga tayo? Ano ba talaga?'"

Isang halik daw ang isinagot ni Lee sa kanya.

Inamin ni Pokwang na siya ang nag-initiate ng usapan.

Depensa ni Pokwang, gusto lang niyang maging malinaw ang estado ng kanilang relasyon.

“Baka mamaya, ang hirap naman kung ako lang ang in love.

“'Tapos dun ko nalaman, sinabi niya na, 'Alam mo ba na first shooting day pa lang...' meron na siyang [gusto sa akin].

“'Tapos sabi niya, gusto niya ako.

"Ganun… masaya siya 'pag nakikita niya ako, 'pag magkasama kami.”

Kinumpirma rin ni Pokwang na babalik si Lee sa Pilipinas sa April at mananatili rito ng higit sa dalawang linggo.

Aprubado rin daw sa kanyang anak na si Mae ang relasyon nila ni Lee.

“Nahirapan ako kay bagets. Ngayon pala, nakakaramdam na siya.

“Hinihintay lang niya na magsabi ako, pero okay lang sa kanya.

“Sabi niya, ‘O, 'wag ka lang shunga [tanga]. Alam mo na ‘yan.

"'Kuwarenta’y dos ka na, alam mo na yung wasak-wasak na bigo, nasasaktan, so iwasan mo ‘yan.'

“Sabi niya, ‘Gusto ko lang makita ka na happy ka.'

“E, nakikita naman niya na happy ako.”


WILLING TO LIVE ABROAD. Isa lang daw ang dasal ngayon ni Pokwang bukod sa pagpapasalamat sa pagdating ni Lee sa kanyang buhay.

“Sana ito na nga.

“Sana ito na. Tama na yung parang… Lord, sana ito na po.”

Inusisa ni Kris Aquino si Pokwang kung handa ba si Lee na magkaroon sila ng long-term relationship.

Sagot ni Pokwang, “Na-realize niya.

"Kasi dati ang buhay niya… walang direksiyon ‘yan, e.

"Alcoholic, 'tapos ang lakas niyang magyosi.

“And then, one day daw, nagising na lang siya na parang, ‘Teka, 'di na ako bumabata.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya ngayon, yung buhay niya, parang siya nagsimulang bumawi. Ganun siya.”

Handa ba siyang mamuhay abroad kung saka-sakaling magsama sila ni Lee?

“Siguro, oo. Dream din naman ni Mae na magtrabaho abroad pagkatapos [mag-aral],” sagot ni Pokwang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN