Angelica Panganiban admits she may have caused John Lloyd-Shaina breakup

“Si Shaina [Magdayao] ano kaya nararamdaman, best friend ko, ’tapos dyowa niya dati. Ako ang nagwagi,” says Angelica Panganiban about having John Prats and John Lloyd Cruz, who are both ex-boyfriends of Shaina Magdayao.


Nakapukaw sa atensiyon ng mga manonood ang panayam ni Vice Ganda kina Angelica Panganiban at John Prats sa Gandang Gabi Vice kagabi, February 8.

Sa naturang episode, naikuwento ni Angelica ang simula ng relasyon nila ng boyfriend niya ngayong si John Lloyd Cruz.

Natatawa ring ibinahagi ng aktres kung paano niya ito nasabi sa kanyang best friend na si John, na dating boyfriend ni Shaina bago naging sila ni John Lloyd.

“'Di ko talaga alam paano ko sasabihin sa kanya kasi bina-bash kaya namin dati si Lloydie 'tsaka si Shaina,” sabi ni Angelica.

Agad naman niyang nilinaw na ginagawa nila ang pangba-bash dati upang madaling maka-move on si John sa breakup nila ni Shaina.

“Sinasabi ko talaga, ‘Ano ka ba, kaya mo 'yan, isipin mo hindi sila bagay, maghihiwalay din sila.’

"Ako pala magiging dahilan!” natatawang sabi ng That Thing Called Tadhana actress.

Dahil dito, tinanong ni Vice si Angelica kung siya nga ba ang naging dahilan ng paghihiwalay nina John Lloyd at Shaina.

Maikling sagot ng Kapamilya actress, “Feeling ko.”

Nagulat naman si Vice nang pabirong sinabi ni Angelica, “Si Shaina, ano kaya nararamdaman, best friend ko, 'tapos dyowa niya dati... Ako ang nagwagi.”


DID SHAINA REACT? Ilang oras matapos maiere ang naturang episode ng Gandang Gabi Vice, nag-post ni Shaina ng isang quote mula kay Thema Davis.

Sa caption nito, sinabi ng nakababatang kapatid ni Vina Morales:

“ONE thing I DO BEST to people who "try" to put me down and "try" to break me even if Im not doing anything to them? ?￰゚ルマ?￰゚ルマ?￰゚ルマ?￰゚ルマ?￰゚ルマ?￰゚ルマ? I PUT YOU ....ON MY PRAYER LIST ?￰゚ルマ exactly what i did before, and what i still will continue to do 3 years after#takethehigherroad ?#butplsdontmentionmynameeverrragain.”

Hindi naiwasan ng followers ni Shaina na maiugnay ito sa naging pahayag ni Angelica.

Sabi kasi ni Shaina: “[J]ust a lil bumpy moment this evening based on friends texts but all good.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Taong 2012 nang kumpirmahin ni Shaina ang paghihiwalay nila ni John Lloyd.

Read: Shaina Magdayao confirms breakup with John Lloyd Cruz; says reason is "purely between John Lloyd and myself"

ONE thing I DO BEST to people who "try" to put me down and "try" to break me even if Im not doing anything to them? 🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏 I PUT YOU ....ON MY PRAYER LIST 🙏🙏 exactly what i did before, and what i still will continue to do 3 years after #takethehigherroad 🌟 #butplsdontmentionmynameeverrragain just a lil bumpy moment this evening based on friends texts but all good 🙋😁 Still a good Sunday after all.. 🌟 Blessed with #SundayWorkday w my #ASAP20 family and my ever loyal supporters #Shainatics 💋 Blessed with a wonderful loving family and a peaceful sunday evening surrounded with beautiful hearted friends ❤️ Ah Life 😻 Still so much to be thankful for 😻 and to smile about ☀️☀️☀️ Life is Good and our God is Great! 💙❤️💙😁 THANK YOU, LORD for tonights comfortable sleep and sweetest dreams 🙏 Good night, Instagram World 🌟🌟🌟

A photo posted by Shaina Magdayao (@shaina_magdayao) onFeb 8, 2015 at 9:53am PST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN