Kris Bernal admits she will be "50 percent happy, 50 percent sad" if Carl Guevara finds new romance

Kris Bernal on breakup with Carl Guevara: "It’s because of our differences. We always clash, hindi kami nagkakasundo, even sa smallest things. It’s not healthy anymore, parang we found out na it’s becoming a problem already. We get affected kahit sa maliliit na away, hindi lamang sa personal, kundi maging sa trabaho din. So, sabi namin sa isa’t isa, ’Let’s try na maghiwalay na no strings attached."


Sa halos dalawang taong on-and-off again relationship nina Kris Bernal at Carl Guevara, inamin ng Kapuso actress na naging pinal ang pagtatapos ng kanilang relasyon noong December 2014.

Sabi ni Kris, "Wala na, it's final, and it's officially over.

"Kasi pagkatapos nung [unang] hiwalayan, it was an on and off relationship, parang hindi siya naging stable.

"Pero just two months ago, we both made a decision na parang tapusin na talaga, and it's mutual.

"Kaming dalawa talaga ang nag-usap, may closure talaga."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa 5th Wonderful World With Globe, sa Sun Green Hotel, Makati City, noong February 5.

THE REASON. Ano ba ang naging dahilan ng tuluyan nilang paghihiwalay?

Sagot ng StarStruck alumna, “It's because of our differences.

"We always clash, hindi kami nagkakasundo, even sa smallest things.

"It's not healthy anymore, parang we found out na it's becoming a problem already.

"We get affected kahit sa maliliit na away, hindi lamang sa personal, kundi maging sa trabaho din.

"So, sabi namin sa isa't isa, 'Let's try na maghiwalay na no strings attached."

Patuloy niya, "Siguro before New Year, last week of December [2014], natapos na talaga siya.

"We're friends but we don't communicate as often as before.

"Pero magkaibigan kami, it's just that we don’t see each other anymore. Para siguro maka-move on kami.

"Pero, feeling ko talaga, magkaibgan kami."

MOVING ON. Madali ba sa kanya ang makapag-move on?

Pag-amin ni Kris, "Siyempre, it's not easy for me, kasi it was also a long relationship.

"I really treasured it and I gave all of my time.

"Talagang naging buhos din naman ako dun, so hindi naman siya madali sa akin.

"But, right now, I'm happy kasi feel ko na nahanap ko yung happiness sa pamilya ko.

"I get support sa family ko, sa friends ko, and through prayers na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sa ngayon, masaya ako."

KUROT SA PUSO. Paano kung mabalitaan niyang mayroon nang ibang nililigawan si Carl? Ano magiging reaksiyon niya kung mag-post si Carl sa Instagram na may iba nang kasamang babae?

Halos mapasigaw na biro ni Kris, "O, naluha kaagad [ako]!

"Siguro, reaksiyon ko, maybe fifty percent happy ako at fifty percent sad.

"Happy because... na may nahanap siyang bago na...

“Hindi naman siguro mas okey, pero mas magiging mas mabuting karelasyon siya.

"And sad, kasi we had our times together. We had our happy memories together.

"It will always be in my heart, it will never be erased, lagi ko pa rin siyang maaalala."

Kasunod nito ang pag-amin ni Kris na mayroon pa ring kurot sa kanyang puso ang anumang nararamdaman niya para kay Carl.

"Oo, may kurot pa rin.

"Pero siyempre, alam kong marami siyang natutunan from the past relationships.

"So, alam kong, right now, magiging mabuti siyang tao."

Bukas na ba ang kanyang puso para sa bagong relasyon?

Ani Kris, "I'm open for dating, it's just that I want to focus to myself muna.

"I'm twenty-five and there's so many things I wanna do.

"I want to improve myself and the things I love to do, like acting, yung pagiging artista ko.

"Gusto ko siyang ma-explore.

"Kaya right now, I'm busy with voice lessons, with personality development workshops, with English proficiency classes.

"Basta it's all about improvement, lahat productive."

Dagdag pa niya, "So, right now, I make sure na I'm busy with a lot of things na hindi ko siya [Carl] maiisip.

"I'm happy kasi nag-gain ako from that.

"But then, somehow, naiisip ko na rin na I still want the best for him.

"Gusto ko ring gumanda lalo ang career niya, kasi mabait naman siyang tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN