Kapuso child actor Miggs Cuaderno outgrows crush on Sam Pinto

Miggs Cuaderno on winning acting awards at a very young age: “Masaya po. Kasi parang, ang bata ko pa po, nanalo na ako nun. Parang hindi ko po akalain na mananalo po ako. Iyon po.”


At a very young age, marami-rami na ring acting awards na nakuha ang Kapuso child actor na si Miggs Cuaderno.

“Bale yung isa po, yung Best Supporting Actor po ako dun sa Children’s Show, 'tapos po yung Best Actor po.”

Nagwagi si Miggs bilang Best Actor sa Cheries Cheris Film Festival sa Paris, France, para sa indie movie na Quick Change noong December 2014.

Kahit sa telebisyon ay may award na rin daw si Miggs.

“Yung Best Children Show Host, Best Show po, mga ganun,” kuwento ni Miggs nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa promo ng GMA primetime series na Second Chances.

Bukod sa Second Chances ay bahagi rin ng weekly children show na Tropang Potchi ang 10-year-old actor.

“Masaya po,” pahayag ni Miggs tungkol sa acting awards niya.

“Kasi parang, ang bata ko pa po, nanalo na ako nun.

“Parang hindi ko po akalain na mananalo po ako. Iyon po.”

Paglaki niya, nais daw ni Miggs na sundan ang mga yapak ng Kapuso actor na si Dennis Trillo.

Paliwanag niya, “Mabait po siya, ‘tsaka parang kahit anong role, inaano niya, kaya niya, hindi niya po tinatanggihan.

“Magaling po siyang artista. At iyon nga po, mabait siya.”

Nakasama na ni Miggs si Dennis sa indie movie na Ang Katiwala at sa isang episode dati ng Spooky Nights sa GMA.

Nababaitan din daw siya kay Camille Prats na madalas niyang kaeksena sa Second Chances, ganun din daw ang character actor na si Roi Vinzon at kay Jennylyn Mercado.

MIGGS’S CRUSH. “Wala po!” ang natatawang sabi ni Miggs nang tanungin namin kung may crush na siya.

“Wala pa po, e, pero dati po kay Ate Sam Pinto po.

“Dati po, pero ngayon, wala pa po, e.”

Bakit hindi na niya crush si Sam?

“Hindi naman po, siguro,” at tila nahihiyang tumawa si Miggs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumipas na ang crush niya kay Sam.

“Opo, parang ganun po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN