Gretchen and Marjorie Barretto at war because of Julia-Liza rivalry?

Ayon sa batikang entertainment columnist na si Ricky Lo, may hidwaan ngayon ang magkapatid na Gretchen at Marjorie Barretto dahil sa ipinapakitang suporta ni Gretchen sa “rival” ng anak ni Marjorie na si Julia na si Liza Soberano.


Mayroon nga bang hidwaan sa pagitan ng magkapatid na Gretchen at Marjorie Barretto?

Ayon sa isang veteran entertainment columnist, nagkaroon umano ng hidwaan ang magkapatid dahil sa pagsuporta ni Gretchen sa isang young actress na karibal daw ng anak ni Marjorie na si Julia Barretto.

Sa column niyang Funfare sa The Philippine STAR ngayong Martes, February 10, binanggit ni Ricky Lo na may nasagap siyang impormasyong nagsasabi na nagsimula ang hidwaan nina Gretchen at Marjorie dahil sa papuring ibinibigay ng nakatatandang Barretto sa lead stars ng Forevermore.

Sina Liza Soberano at Enrique Gil ang bida ng ABS-CBN primetime teleserye na nagsimulang umere noong October 2014.

Pero itinuturing umano ni Marjorie na “rival” ng kanyang anak na si Julia si Liza, ayon sa column.

Magkaibigan at magkasabayan sina Liza at Julia sa Star Magic Circle 2013.

Kahit noong nasa London si Gretchen noong nakaraang taon, sinusubaybayan daw niya ang Forevermore.

Binati pa nga ni Gretchen ang mga bida ng teleserye sa Instagram dahil sa tagumpay ng show.

Naging malapit sina Gretchen at Enrique nang gumanap sila bilang mag-ina sa teleseryeng Princess And I noong 2012.

Dating nagkatambal sina Enrique at Julia sa 2014 teleseryeng Mirabella.

Magka-loveteam naman ngayon sina Enrique at Liza sa Forevermore.


GRETCHEN PRAISES LIZA, ENRIQUE. Noong November 2014, binati ni Gretchen sa kanyang Instagram account si Enrique dahil sa mataas na rating na nakuha ng pinagbibidahan nitong teleserye, kalakip ang larawan ng Kapamilya young actor.

Ayon sa caption ni Gretchen: “Congratulations @enriquegil17 & the whole cast of Forevermore 30.2 rating (smile emoticon) Kapamilya (heart emoticon).”

Sa nasabing post, nag-comment din ng pagbati si Gretchen at naka-tag pa si Liza at ang Star Cinema managing director na si Malou Santos.

Congratulations @enriquegil17 & the whole cast of Forevermore 30.2 rating😀 Kapamilya 💗

A photo posted by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) onNov 13, 2014 at 4:42am PST

Ayon sa column ni Ricky Lo, hindi raw ito nagustuhan ni Marjorie.

Sa Instagram account naman ng Bench owner na si Ben Chan, ipinost niya ang larawan ni Liza sa cover ng Benchmark Magazine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa comment section, pinuri ng kilalang fashion designer na si Michael Cinco ang mukha ni Liza at tinanong kung sino siya.

Mababasa rin ang comment ni Gretchen sa nasabing post na pinupuri si Liza sa kagandahan nito.

Ayon sa column ni Ricky, kinuha ni Marjorie si Michael upang gumawa ng tatlong gowns ni Julia, na magde-debut sa darating na Marso.

Habang isinusulat ito ay nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marjorie upang kunan ng reaksiyon sa isyu, subalit hindi pa siya sumasagot.


NO RIVALRY. Samantala, bukod sa pagiging batchmates sa Star Magic, itinuturing nina Julia at Liza ang isa't isa bilang kaibigan, kasama ang isa pang kasabayan nila na si Janella Salvador.

Sila ring tatlo ang bini-buildup ng ABS-CBN bilang up and coming female stars.

Sa panayam kay Janella nito lamang January sa presscon ng kanyang ongoing soap opera na Oh My G!, nilinaw ng young actress na walang kumpetisyon sa kanilang tatlo nina Julia at Liza.

Paniniyak pa ni Janella: “We’re very, very close. Wala po kaming rivalry or whatever.

"Talagang nag-click kaming tatlo and we’re super close."



Read: Janella Salvador dismisses rivalry with Liza Soberano and Julia Barretto

Maging sa kanilang Instagram account, pare-pareho pa silang nag-post ng pictures nilang tatlo bilang endorsers ng isang shampoo brand at nagpahayag ng kanilang closeness.

Sa caption ni Julia sa larawan nilang tatlo, sabi niya: “Never feels like work with these two.”

Sabi naman ni Janella sa kanyang post: “These two made my day a whole lot more fun.”

Ayon naman kay Liza: “Fave people to shoot with.”

Fave people to shoot with 💓

A photo posted by Hope Elizabeth (@lizasoberano) onJan 17, 2015 at 5:40am PST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN