PEP EXCLUSIVE. Senator Chiz Escudero optimistic about better relationship between Heart Evangelista and her parents

Senator Chiz Escudero on the absence of Heart Evangelista’s parents on their wedding day: "We have a lifetime, they [Heart and her parents] have a lifetime, but hopefully we won’t wait until the end of that lifetime. Well, hopefully, I am very optimistic that they will be able to patch things up.”


Nananatiling positibo si Senator Chiz Escudero na darating ang tamang pagkakataon kung kailan tuluyang maaayos ang anumang hindi pagkakaunawaan ng kanyang fiancée na si Heart Evangelista at mga magulang ng aktres.

Matatandaang gumawa ng paraan si Chiz na pormal na hingin ang kamay ni Heart sa ama nitong si Reynaldo Ongpauco bago mag-propose ang senador sa aktres noong August 2014.

Ipinaabot naman ni Mr. Ongpauco ang kanyang blessing sa pagpapasakal ng magkasintahan, sa pamamagitan ng pagpapadala ng text message kay Chiz.

Saad ni Chiz nang hingan ng reaksiyon tungkol sa estado ng relasyon ni Heart at ng mga magulang nito, “We have a lifetime, they [Heart and her parents] have a lifetime, but hopefully we won’t wait until the end of that lifetime.

“Well, hopefully... I am very optimistic that they will be able to patch things up.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Senator Chiz sa Acropolis Clubhouse, sa Quezon City, Lunes ng gabi, February 9.

Nauna nang inihayag ni Heart na hindi makakadalo ang mga magulang niya sa kasal nila ni Chiz sa Balesin Island sa February 15.

Tanggap na raw ni Heart na hindi siya maihahatid sa altar ng kanyang mga magulang sa araw ng kasal niya.

Ganunpaman, aminado ang aktres na kahit papaano ay umaasa siyang magbago ang isip ng mga ito.

Read: Heart Evangelista still hoping her parents will attend her wedding


THUMBS UP FROM CHIZ’S KIDS. Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP kay Senator Chiz, ibinahagi nito kung paano niya unang sinabi sa dalawa niyang anak na sina Maria Cecilia at Joaquin ang tungkol sa pagpapakasal niya kay Heart.

Kakatuwa umano na sa edad na pitong gulang ng kanyang mga anak ay malalim na ang pang-unawa ng mga ito tungkol sa set-up ng kanilang pamilya.

Kuwento ni Chiz, “[It was] very touching actually.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I asked my daughter first before she went asleep one night.

“Ang sagot ng anak ko sa akin? Ok lang daw kasi para may nanay daw sila sa bahay namin, may nanay sila ‘pag nandun sila sa bahay ng nanay nila.

“So, hindi siya kawalan.

“Nowadays, you can’t really underestimate the understanding of your kids.”

Biro pa ni Chiz, mas kasundo pa ni Heart ang kambal niyang anak kaysa sa kanya dahil mas magkalapit ang mga edad ng mga ito.

Bukod dito ay nagkaroon din ng pagkakataong maka-bonding ni Heart si Chiz at ang mga anak nito nang magbakasyon sila sa U.S. noong December.

Sabi ng senador, “They do get along well.

“Of course, their mom can never be replaced and they are mine.

“Heart accepts and understands that.

“She realizes what she has to do—not to be close to my kids but to do her role and share in so far as bringing them up with me.”

Si Senator Chiz ay unang ikinasal kay Christine Elizabeth "Tintin" Flores ngunit nagkahiwalay sila noong 2011 pagkatapos ng sampung taong pagsasama.


BABY PLANS. Kung siya ang tatanungin, gusto ni Chiz na magkaanak sila ni Heart pagkatapos ng isang taon nilang maikasal.

Ngunit bukod sa gusto muna nilang ma-enjoy ang buhay-mag-asawa, natatawang ibinahagi ni Chiz kung bakit made-delay nang kaunti ang kanilang honeymoon vacation ni Heart.

Paliwanag ng senador, “Probably after a year [baby plans].

“Honeymoon nga, wala pa, e. Kasi I have work and she has work too.

“She was supposed to have work at GMA right after the wedding.

"It was postponed to May, but I have work until March.”

Saan nila balak tumira pagkatapos ng wedding?

Sagot ni Chiz, “Actually, we haven’t figured it out yet.

“She lives near where I live—a hundred and twenty-eight steps away [from my house].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, we’ll figure it out.”

Posible rin umanong tumira sila sa bahay na sinimulang ipatayo ni Heart halos dalawang taon na ang nakararaan.

Ngunit wala pa silang pinal na pag-uusap ukol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN