Lovi Poe wishes Heart Evangelista happiness on her wedding

Isa si Lovi Po sa bridesmaids sa kasalang Heart Evangelista at Senator Francis Escudero sa February 15. Hangad daw ni Lovi ang kaligayahan ng kaibigang si Heart sa panibagong yugto ng buhay nito.


Excited na si Lovi Poe sa nalalapit na pag-iisang dibdib ng best friend niyang si Heart Evangelista kay Senator Francis "Chiz" Escudero sa Linggo, February 15.

Very intimate nga raw talaga ang kasalan dahil maging ang boyfriend ni Lovi na si Rocco Nacino ay hindi kasama sa mga pupunta sa wedding ceremony sa Balesin Island Club, Polillo, Quezon.

Saad ni Lovi, “I think, if I’m not mistaken, entourage [lang] talaga sa Balesin.

"Not everyone can come talaga. I think it’s gonna be intimate.

"I’m not really sure talaga, ha, kasi base sa nakikita kong pagmi-meeting sa aming mga bridesmaids, kami-kami lang yung pupunta talaga."

Pero ayon kay Lovi, masayang-masaya si Heart sa magaganap na kasalan na personal nitong pinangangasiwaan.

“Haping-happy siya. Everything’s happening according to what she wants.”

Balita mang hindi dadalo ang mga magulang ni Heart sa kasal nito, hangad daw ni Lovi sa kaibigan ang labis na kaligayahan.

“Basta I wish her happiness, she deserves to be happy.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi sa presscon ng MuSIKATin: Musikang Sikat Sa Atin sa ballroom ng Luxent Hotel, sa Timog Avenue, Quezon City, ngayong Martes, February 10.

Ang MuSIKATin ay ang pinakamalaking konsiyerto ng OPM singers na gaganapin sa Philippine Arena, sa Bulacan, sa February 20.


ON SENATOR GRACE POE. Nausisa rin si Lovi tungkol sa maayos at patas na pamumuno raw ng kanyang half-sister na si Senator Grace Poe sa Senate investigation kaugnay ng Mamasapano clash, kung saan 44 members ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) ang napatay.

Ginanap ang #fallen44 investigation kahapon, February 9.

Pahayag ng aktres tungkol dito, “That’s very good naman.

"I haven’t really seen or watched that kasi nga sobrang busy sa trabaho.

"Pero I think… now is the time that everybody should get together and reunited naman for a good thing, for a good cause.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Now is the time to be… to really use our hearts, not for anything political.

"I think, masarap siguro na everybody should be true.”

Umaasa rin ang Kapuso actress na mabigyan ng hustisya ang 44 members ng SAF na napatay sa madugong sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao.

Saad niya, “Siyempre, sana mabigyan ng justice yung mga heroes natin.

"Kasi nga, siyempre nga inalagaan nila yung freedom natin, 'tapos tayo we just enjoy it.

"Sana lahat tayo ipagdasal natin na sana maging mabuti ang kalalabasan.”

Dahil daw sa magandang pamumuno sa Senate investigation ng kanyang Ate Grace, lumulutang na naman ang mga usaping dapat daw ay tumakbo na ito sa mas mataas na posisyon sa susunod na eleksiyon.

Kung sakali man daw na mangyayari ito, suportado ni Lovi ang nais tahakin ng kapatid.

“Well, ako naman, for me, whatever her decision will be, I’ll be here to support her.

“Kung gusto man niya tumakbo o hindi, I’ll always be here to support.”

LOVI AT 26. Bukas, February 11, ang ika-26 kaarawan ni Lovi. Ano ba ang wish niya para sa sarili?

Sagot niya, “Wish ko, mas lalong magkaroon ng growth, more good projects.

"And sana tuluy-tuloy ang lahat ng positive na mga bagay na nangyayari sa buhay ko ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN