Ogie Alcasid to donate MuSIKATin talent fee to Fallen 44 families; still believes in PNoy

Ogie Alcasid on donating his talent to the families of the Fallen 44: "It’s not malaking-malaki, pero para sa akin, mas magiging meaningful yung concert ‘pag ginawa natin ‘to. It’s the least that we can do."


Ang MuSIKATin: Musikang Sikat sa Atin ang kauna-unahang OPM concert na mapapanood sa Philippine Arena, sa Bulacan, na may capacity na 55,000.

Gaganapin ang naturang concert sa February 20, Biyernes.

Pangungunahan ni Ogie Alcasid ang concert na ito, kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa ilalim ni Maestro Ryan Cayabyab.

Pawang OPM artists din ang special guests ni Ogie: sina Hajji Alejandro, Rey Valera, Michael V, Angeline Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Gloc 9, Jett Pangan, at Vernie Varga.

Ang naturang concert ay ipu-produce ng Philipine Arena mismo at ng Maligaya Development Corporation.

Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Paolo Valenciano, panganay na anak ni Gary Valenciano.

Excited si Ogie sa konsepto ng concert at alam daw niyang ibang-iba ito sa mga nagawa niyang concerts.

Bagong ideya raw kasi ito mula sa isang batang direktor na first time na magdirek sa kanya.

Pahayag ni Ogie tungkol kay Paolo, “Nakakatuwa kasi mahilig din pala siya sa mga ballad.

“Sabi niya, paborito din pala niya ang ‘Ikaw Lamang’ na kinanta ng father niya, na hindi niya alam na ako ang sumulat.

“Kasi nakita ko na kinanta pala niya yun sa fiancée niya bago sila ikasal na hinaharana niya.

"Nakakatuwa na ang direktor ko, bata, at ‘Tito Ogie’ pa ang tawag sa akin."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa presscon ng MuSIKATin, na ginanap sa Luxent Hotel, kaninang Martes ng tanghali, February 10.

FALLEN 44 TRIBUTE. Ang isa pa raw sa pinaghahandaan nila sa concert na ito ay ang production number bilang pagbibigay-pugay sa ating Fallen 44 heroes—na ayon kay Ogie ay dapat tawagin bilang “Brave 44” o “Gallant 44.”

Saad niya, “Ang hirap kasi mag-concert dahil sa mga nangyari na pinagdaanan natin.

“Parang ang hirap, kasi ang concert is a celebration, ang concert is masaya.

“Nung isang gabi, nag-iisip ako, we have to honor our forty-four heroes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nagsagawa kami ng isang number dedicated to them.”

Kakantahin daw nila ang komposisyon ni Prof. Ryan Cayabyab na “O Bayan Ko.”

Mayroon din daw silang gagawin na tinitiyak ni Ogie na mapapa-standing ovation ang mga manonood.

Lahad pa ng president ng OPM, “Nung isang gabi, nagdasal ako kung ano ba ang puwede pang i-contribute sa ating heroes.

“So, sabi ko sa asawa ko [Regine Velasquez], sinabi ko rin sa manager ko [Leo Dominguez], sabi ko, mabuti pa ang talent fee ko dito sa MuSIKATin, ibibigay ko na lang lahat.

“It’s not malaking-malaki, pero para sa akin, mas magiging meaningful yung concert ‘pag ginawa natin ‘to.

"It’s the least that we can do."

Dagdag ni Ogie, “Kasi naglalaban ang isip ko na papa’no ka mag-concert na ang hirap ng dinaraanan ng bayan natin.

“So, isip ko—minus of course the taxes and commissions—ibibigay ko na lang lahat ng talent fee ko sa pamilya [ng Fallen 44].”

Bukod pa rito, iniisip din ni Ogie na imbitahin ang immediate family ng mga nasawing police commandos ng Special Action Force para panoorin ang kanilang concert.

Aayusin lang daw niya ang coordination kung paano i-shuttle ang mga iimbitahang pamilya papuntang Philippine Arena sa Bulacan para mapanood ang concert.

Kaya nanawagan na rin si Ogie para maiparating ito sa kanila.

“Iniimbitahan ko po ang mga immediate family ng ating 44 heroes.

“Iniimbitahan ko po kayo personally…

“Gagawa po tayo ng paraan na madala kayo sa Philippine Arena para mapanood ninyo yung concert dahil bibigyan po natin ng parangal ang ating Brave 44.”

INVITING PNOY. Doon na rin nagpahayag si Ogie na kung libre raw si President Noynoy Aquino ay iimbitahin niya itong manood ng concert nila.

Ayon pa sa singer-songwriter, alam niyang matindi ang pinagdadaanan ngayon ni President Noynoy Aquino, pero nandoon pa rin daw ang kanyang suporta rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Personally, nakikita mo na sa point na nakita mo, umaandar na, e.

“Nagkakaroon na ng imbestigasyon, nagsasalita na ang mga involved.

“Siguro hayaan nating dumaan lahat sa prosesong ‘yan para magkaroon ng kaliwanagan bago tayo magsalita ng kung anu-ano.

“I feel that… I think the wheel of justice is slowly starting to turn.

“Whether this is towards the truth or not, e, hindi pa natin alam.

“At least, umaandar na at nagsalita na ang Presidente, inaako niya ang lahat.

“Hayaan na muna natin siya, inako na niya, e.

“Malaking responsibilidad na inako na niya.”

Patuloy ni Ogie, “Gaya ng sinabi ko, I will always be behind the President.

“He is not perfect. Like all of us, he is flawed.

“Like all of us, he makes mistakes.

“And no matter how big or small the mistakes are, we have to be behind him because he is our President.

“I still believe in his presidency. I still believe in what he’s fighting for. So, ‘andun ako.”

Binati rin daw ni Ogie si PNoy nung kaarawan nito noong February 8, kahit nahirapan daw siyang batiin ito dahil sa hinaharap nitong pagsubok.

“I just said that we’re praying for him and na-appreciate naman niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN