Jake Ejercito slams Albie Casiño’s statement on paternity issue: "Nothing but a desperate showbiz promo ploy."

Hindi raw dapat sasagot si Jake Ejercito sa bagong pahayag ni Albie Casiño tungkol sa paternity issue, pero dahil daw sa pagdamay ng isang inosenteng bata, napilitan ang anak ni Mayor Erap Estrada na ipagtanggol ang anak ni Andi Eigenmann.


“Showbiz promo ploy.”

Ito ang pahayag ni Jake Ejercito sa tanong kung ano ang masasabi niya sa pahayag ni Albie Casiño tungkol sa tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann.

Ayon kasi kay Albie, kung mayroon man daw hindi nagbabago sa buhay ni Andi, ito ay ang presence ni Jake.

Lumutang kamakailan ang usaping ito dahil sa muling pagkakaayos nina Jake at Andi, na nagkahiwalay bago matapos ang 2014.

Kaya naman hinala ng karamihan, baka si Jake talaga ang ama ng anak ni Andi dahil mabilis silang nagkakaayos matapos ang ilang beses nang hiwalayan.

Read: Albie Casiño on talks about the real father of Andi Eigenmann's child: "If you have a secret, you can't keep it hidden forever."

Read: Albie Casiño on paternity issue: “If there’s one constant, Jake’s always there.”

Si Albie ay dating boyfriend ni Andi at unang itinuro bilang ama ng anak ng Kapamilya actress.


“DESPERATE SHOWBIZ PROMO.” Sa website na www.ask.fm, isang follower ni Jake ang nagtanong ng ganito sa kanya: “What can you say about Albie's statement that you might be the father of Ellie?”

Tugon ni Jake dito: “As much as I wouldn't wanna recognise such a futile statement with a reply, it's never right to involve the innocent, specially when it's a kid.

“Ellie shouldn't be an embarrassment to anyone.

“She or anyone from her side has never bothered anyone for anything.

“It's a shame some people choose to use a sweet little ball of awesomeness in nothing but a desperate showbiz promo ploy.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Albie sa pocket presscon ng Wattpad Presents: A House Full of Hunks, kung saan isa ito sa mga bida, kaya siguro nasabi ni Jake na ito ay bahagi ng promo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN