Derek Ramsay’s birthday wish for Kris Aquino is “less stress”

Derek Ramsay says his birthday wish for friend Kris Aquino is to have less stress and better health.


Less stress at good health.

Ito raw ang wish ni Derek Ramsay sa kaibigang si Kris Aquino, na magdiriwang ng kanyang 44th birthday sa mismong Valentine’s Day, February 14.

“I was just texting with her kanina, I was checking how she was doin’.

“I just wish that she has less stress in her life.

“She’s being targeted by many now. I don’t know why, but I don’t see the reason for it.

"But she seems to be handling it very well."

Ang tinutukoy rito ni Derek ay ang pambabatikos na natatanggap ngayon ni Kris kaugnay ng isyu tungkol sa mga artistang nagpahayag ng kanilang saloobin laban sa kapatid ng TV host-actress na si President Noynoy Aquino.

May kinalaman ito sa mainit pa ring pinag-uusapan na pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force ng Philippine National Police sa Mamasapano, Maguindanao.

Patuloy ni Derek, “I just wish that she… I guess better health because she has been in and out of the hospital, 'di ba?

“Lagi kasing nagtatrabaho, walang tulog. I just wish her better health.”

Nakausap ng entertainment press ang actor-TV host sa set visit ng kanyang TV5 reality show na Extreme Series: Kaya Mo Ba ‘To? sa Taytay, Rizal, ngayong Miyerkules, February 11.

THE GIFT. Natawa naman si Derek nang usisain kung ano ang regalo niya kay Kris.

“Ayan na naman ang gift. Hindi ko alam, may meaning pala yung ibinigay ko,” pahayag niya.

Dating na-link sina Kris at Derek, na lalo pang umingay nang bigyan ng aktor ng isang pet dog ang TV host-actress noong 2014.

Inusisa rin si Derek kung napag-uusapan ba nila ni Kris ang non-showbiz girl na pinopormahan ngayon ni Derek.

“Wala pa naman. Hindi pa namin napag-uusapan,” tugon ni Derek, pero kinumpirmang kilala ni Kris ang babaeng idine-date niya ngayon.

Sa katunayan, si Kris daw ang nagsabing may relasyon na si Derek sa nali-link sa kanyang non-showbiz girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She [Kris] was the one that said nga na wala pa ngang nangyayari sa amin nung girl, siya pa nga ang nagsabi na girl ko na daw,” sabi ng aktor.

Sinabi rin ni Derek na ginagawa na ang script ng pelikulang pagsasamahan nila ni Kris, gayundin si Eugene Domingo.

“The story is really cute. I think it’s about Kris and myself going through annulment and our lawyer is Uge [Eugene],” banggit ni Derek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN