Marian Rivera looks forward to having a baby with hubby Dingdong Dantes this year

Marian Rivera on new role as wife of Dingdong Dantes: "Masaya kasi every day gigising ka na alam mong isa na kayo."


“Mas masaya.”

Ganito inilarawan ni Marian Rivera ang bagong buhay niya bilang maybahay ni Dingdong Dantes.

Ayon sa Kapuso Primetime Queen, wala namang malaking pagbabago sa kanyang buhay simula nang ikasal sila ng aktor noong December 30, 2014.

Gayunman, aniya, “Masaya kasi every day gigising ka na alam mong isa na kayo.

“Parang looking forward kayong mangarap sa buhay na magkasama kayong dalawa.”

At isa sa kanilang inaasahan ngayon bilang mag-asawa ay ang pagkakaroon ng anak.

Noon pa man ay sinasabi na nina Marian at Dingdong na gusto nilang magkaroon agad ng anak matapos silang ikasal.

Ganito pa rin ang naging pahayag ni Marian nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at GMA News sa thanksgiving party na inihanda para sa kanya ng charity organization na Smile Train, Miyerkules ng kahapon, February 11.

Bagamat gustung-gusto na niyang magkaanak, sabi ni Marian, “Ang pagkakaroon ng anak ay hindi porke sinabi mong, 'Magkakaanak tayo,' magkakaanak kaagad.

“Siyempre, nakukuha 'yan sa dasal at tamang panahon na ibibigay sa 'yo ng Panginoon.

“Siyempre, 'di ba, kahit gustuhin mo, pero 'di pa Niya call at hindi pa rin time, wala talaga.

“Pero siyempre, gusto namin sana this year.”

Dahil dito, hangga't maaari, sabi ni Marian, “Ayaw ko muna mag-look forward kasi hindi ko alam kung paano ako magbubuntis, kung okay o baka naman maselan.

“Ayaw ko muna siya pangunahan.

“Sa ngayon, ine-enjoy namin together ang pagiging mag-asawa.

"Looking forward kami na magkaanak this year, 'tapos dasal."


SERIOUS COOKING. Sa ngayon, habang hinihintay ang pagsisimula ng bago niyang teleserye sa GMA Network sa Marso, magiging abala muna si Marian sa kanyang culinary lessons sa Heny Sison Culinary School.

Kahit may alam na si Marian sa pagluluto, sabi niya, iba pa rin yung mas marami pang bagong natututunan.

“Kasi mas masarap na marami kang natutunan at hindi ka tumitigil matuto,” paliwanag pa ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsimula ang klase ni Marian noong Miyerkules, February 10.

Binisita pa nga siya ng kanyang mister na si Dingdong at ipinost pa ng aktor sa Instagram ang larawan ni Marian na naka-uniform.

Visited my wife today during her first day in culinary school. I am as proud as your pose @therealmarian 👍

A photo posted by Dingdong Dantes (@dongdantes) onFeb 9, 2015 at 9:07pm PST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN