Heart Evangelista declares love for dad despite his absence at her wedding

Heart Evangelista to her dad Reynaldo Ongpauco: "You’ll always be my first love dad… even though… You’ll be in my heart,” stated Heart in her Instagram post earlier today, February 12.


Hindi maiwasang maging emosyunal ni Heart Evangelista, 29, tatlong araw bago ang kasal nila ni Senator Chiz Escudero, 45, na gaganapin sa Balesin Island Club, sa Quezon Province.

Ito ay sa kadahilanang hindi raw makakarating ang mga magulang ni Heart sa pinakaimportanteng okasyon sa kanyang buhay.

Sa kanyang Instagram post, Miyerkules ng gabi, February 11, naghayag ng mensahe si Heart para sa kanyang ama na si Reynaldo Ongpauco.

Sabi ng Kapuso actress sa caption ng naturang post: "You’ll always be my first love dad… (heart emoticon) even though… You’ll be in my heart.”

Pangarap ni Heart na maihatid siya sa altar ng ama sa araw ng kanyang kasal.

Kaya kung wala rin lang ang ama ay desidido si Heart na solong maglakad para sa kanyang bridal walk sa February 15.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes, February 9, sinabi ng fiancé ni Heart na si Senator Chiz na umaasa silang magiging maayos din ang lahat sa pagitan nila at ng mga magulang ng aktres.

Read: Chiz Escudero optimistic about better relationship between Heart Evangelista and her parents

Ngayong araw, February 12, lumipad na si Heart patungong Balesin upang asikasuhin ang pinal na preparasyon para sa kasal nila ni Chiz.

Hindi man makakadalo ang kanyang mga magulang, masaya si Heart dahil kumpleto silang magkakapatid sa araw na iyon.

Kabilang dito ang kanyang maid of honor na si Camille, isa pang nakatatandang kapatid na si Mich, at half-sister na si Lissa Ongpauco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN