Cristine Reyes gives birth to a baby girl

Cristine Reyes prematurely delivers her daughter with boyfriend Ali Khatibi last Sunday, February 8.


“Nanganak ka na ba?”

Ito ang tanong ng followers ni Cristine Reyes sa kanyang mga Instagram post.

Matatandaang noong nakaraang linggo, nai-PEP Alert na na-confine si Cristine isang araw bago ang kanyang ika-26 kaarawan noong February 5.

Ayon sa impormasyong nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), anumang oras noong panahong iyon ay maaari nang manganak ang Kapamilya actress.

Ito ay sa kabila na hindi pa due date ni Cristine.

Sa mga sumunod na araw, walang anumang anunsiyong ibinigay si Cristine. Ngunit nakakuha ng pansin ang kanyang mga Instagram post dahil tila nagpapahiwatig itong nanganak na siya.

💞 My Dreamscape Family 💗

A photo posted by twitter:@_cristinereyes_ (@queencristinereyes) onFeb 6, 2015 at 8:53pm PST

Isa ring PEPster ang nagpadala ng larawan ng pagbati ng isang kaibigan ni Cristine at boyfriend nitong si Ali Khatibi sa panganganak ng aktres.

Kagabi, February 11, nag-post si Cristine ng picture nila ni Ali, na nagpapakitang nakalabas na siya ng ospital.

Dinner date with my man ♥️

A photo posted by twitter:@_cristinereyes_ (@queencristinereyes) onFeb 11, 2015 at 7:17am PST

Ipinost din ito ni Ali sa kanyang Instagram account na may caption na: “Late dinner with this hot momah?”

Marami sa mga kaibigan ni Ali ang nag-comment ng pagbati sa kanyang pagiging ama, na kanya namang pinasalamatan.

Late dinner with this hot momah😍

A photo posted by Ali Khatibi (@alijoshua) onFeb 11, 2015 at 7:10am PST

Sa column ng PEP contributor na si Gorgy Rula sa Abante Tonite, kinumpirma niyang nanganak na si Cristine noong Linggo, February 8.

Premature delivery umano ito dahil nasa ika-pitong buwan pa lamang ng pagbubuntis ang nakababatang kapatid ni Ara Mina.

Ayon sa ulat, kailangan pa rin daw na nasa incubator ang anak nina Cristine at Ali.

Sa ngayon, ayaw raw muna ni Cristine na magpadalaw dahil kailangan pa niyang magpagaling nang husto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN