Hubert Webb engaged to non-showbiz girlfriend: "Yun ang liwanag sa dilim ng buhay ko."

Hubert Webb on moving forward with his life: “God is good. Life is good. I got engaged [last] December 12. Yun ang liwanag sa dilim ng buhay ko."


Inihayag ni Hubert Webb na engaged na siya sa kanyang non-showbiz girlfriend mula pa noong December 12, 2014.

“God is good. Life is good.

“I got engaged [last] December 12.

“Yun ang liwanag sa dilim ng buhay ko,” masayang pagbabalita ni Hubert sa panayam ng TV Patrol, Miyerkules ng gabi, February 11.

Walang detalyeng ibinigay si Hubert tungkol sa 'di pinangalanan niyang nobya, maliban sa nagkakilala sila noong nakakulong siya sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Noong Martes, February 10, dinaluhan ni Hubert ang red-carpet premiere ng pelikulang Liwanag Sa Dilim, kung saan isa sa cast members ang kanyang ama na Freddie Webb.

Maging si Freddie ay hindi maitago ang kasiyahan sa nalalapit na pagpapakasal ng kanyang anak.

Ngayon pa lang ay sabik na ang veteran actor at dating senador na magkaroon agad ng apo kay Hubert at sa mapapangasawa nito.

“He's already in his forties. It's about time he got married.

“I’m just hoping that he would have a kid.

“I’m proud to be his father,” nakangiting saad ni Freddie.

Masaya si Freddie sa tinatahak ng anak na panibagong yugto sa buhay nito.

Matatandaang labinlimang taong nakulong si Hubert dahil sa pagkakasangkot nito sa kasong pagpatay at panggagahasa kay Carmela Vizconde, at pati na rin sa pagpatay sa ina nitong si Estrellita at kapatid na si Jennifer.

December 2014 nang i-acquit ng Supreme Court si Hubert at lima pa nitong kapwa-akusado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN