Laarni Enriquez refuses to comment on son Jake’s paternity issue and daughter Jerika’s feud with Kris Aquino

Bilang isang ina, sinubukan ng PEP at The Buzz na kunan ng pahayag ang dating aktres na si Laarni Enriquez tungkol sa magkahiwalay na isyung kinasasangkutan ng mga anak niya kay Manila Mayor Erap Estrada na sina Jerika at Jake Ejercito.


Sangkot ngayon sa magkaibang kontrobersiya ang dalawa sa tatlong anak ng dating aktres na si Laarni Enriquez kay former President at ngayo'y Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada—sina Jake at Jerika Ejercito.

Si Jake ay sangkot sa paternity issue nina Albie Casiño at Andi Eigenmann, habang si Jerika naman ay may isyu kay Kris Aquino kaugnay ng Mamasapano clash.

Ang isa pang anak ni Laarni kay Erap ay si Jacob Ejercito.

PATERNITY ISSUE. Natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at The Buzz si Laarni sa Come Sing With Me concert ni Michael Pangilinan, sa Teatrino, Greenhills, San Juan City, Miyerkules ng gabi, February 11.

Dito ay kinuha namin ang reaksiyon ng dating aktres sa pagkakadawit ng dalawa niyang anak sa kontrobersiya.

Ayaw magkomento ni Laarni tungkol sa isyung si Jake diumano ang totoong ama ng anak ni Andi.

Diin ni Laarni tungkol dito, "Wala... wala nga ako alam."

Noong nakaraang linggo, naungkat muli ang usapin tungkol sa paternity issue nang makapanayam ng media si Albie tungkol sa muling pagkakaayos nina Andi at Jake.

Umalingawngaw ang kuwentong ito dahil hindi tuluyang nagkakahiwalay sina Jake at Andi.

Read: Albie Casiño on talks about the real father of Andi Eigenmann's child: "If you have a secret, you can't keep it hidden forever."

Read: Albie Casiño on paternity issue: “If there’s one constant, Jake’s always there.”

Sinupalpal naman ni Jake si Albie dahil isa lamang daw itong pakulo ng huli para sa promo ng bagong proyekto nito.

Read: Jake Ejercito slams Albie Casiño’s statement on paternity issue: "Nothing but a desperate showbiz promo ploy."

Sabi naman ni Laarni, “Mahirap mag-comment kasi hindi ko talaga napanood [ang interview ni Albie]."

Pabor ba si Laarni sa relasyon nina Jake at Andi?

Iwas pa rin niya, "Mahirap mag-comment, hindi naman ako ang mai-in love, e, 'di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bahala na sila. Matanda na sila."

May payo ba siya sa anak?

Maiksing sagot nito, "Good luck."

Matatandaang nagkaroon ng isyu noon sa pagitan ng mga magulang nina Jake at Andi dahil tila hindi pabor sina Erap at Laarni kay Andi para kay Jake.

Nagkaroon din ng alitan sa pagitan ni Andi at ng kanyang ina na si Jaclyn Jose dahil sa pagsasalita ng veteran actress tungkol dito.

FREEDOM OF SPEECH. Inusisa rin ng PEP si Laarni tungkol sa isyu naman ng panganay niyang anak na si Jerika at ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

Sa isang Facebook post kasi ay tinawag ni Jerika na "bully" si Kris.

May kaugnayan ito sa pagtatanggol ni Kris sa kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino laban sa bashers at haters nito dahil sa isyu ng #fallen44.

Read: Jerika Ejercito slams Kris Aquino for being "brutally honest but cannot handle the truth herself"

Agad namang humingi ng paumanhin si Erap kay Kris dahil sa naging pahayag ni Jerika.

Read: Erap apologizes to Kris Aquino: "Sorry Kris sa pinagsasabi ng anak ko, ngayon ko lang nalaman, nahihiya ako sa 'yo, sa pamilya niyo."

Sa exclusive interview naman ng PEP kay Jerika, sinabi nitong medyo masakit nga ang mga nasabi niya, pero pinaninindigan daw niya ang kanyang post.

Sa takdang panahon ay hihingi raw siya ng dispensa kay Kris.

Read: Jerika Ejercito hopes to apologize to Kris Aquino but stands by her Facebook post: “Obviously some can handle the truth, while others can’t.”

Naging matipid pa rin si Laarni sa pagbibigay ng pahayag tungkol sa isyung ito.

Aniya, "Okay na, 'di ba? Okay na.

"Okay na. Pareho lang naman na nag-aano ng... alam mo, yung freedom of speech.

"Pare-pareho naman tayo, 'di ba? At least, okay na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN