Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

German Moreno on his way to full recovery; begins to attend showbiz functions

by John Fontanilla
Feb 12, 2015
Tila dire-diretso na ang paggaling ng veteran TV host na si German Moreno, pagkatapos ma-mild stroke, dahil nakaka-attend na ito ng showbiz functions, kagaya na lamang ng concert ng kanyang anak-anakan na si Michael Pangilinan, kagabi, February 11.

Tuluy-tuloy na ang paggaling ng veteran TV host na si German “Kuya Germs” ilang linggo pagkatapos niyang ma-mild stroke.

Ayon sa pamangkin ni Kuya Germs na si John Nite, bukod sa pamamasyal ay um-attend pa ang Master Showman sa concert ng singer na si Michael Pangilinan, Miyerkules ng gabi, February 11, sa Teatrino Greenhills.

Lahad ni John, "Nakakatuwa, kasi nakikita na namin ang mabilis na recovery ni Tito Germs.

"Bumabalik na rin yung dati niyang sigla at excited na siyang bumalik sa trabaho.

"Pero sabi nga ng doctor, kailangan pa niyang magpahinga at continuous therapy para mas lubusang gumaling na siya.”

Tuloy ba ang plano nilang pagdadala kay Kuya Germs sa Amerika para doon ipagpatuloy ang therapy nito?

Sagot ni John, “Sa ngayon kasi wala pa ring desisyon, depende kay Tito Germs.

“Kasi okey naman ang therapy niya dito with St. Luke’s, almost the same din sa America.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John sa pamamagitan ng telepono ngayong Huwebes ng umaga, February 12.

Continue reading below ↓

Sa concert ay nilapitan pa raw ni Michael si Kuya Germs at inawitan. Isa kasi sa anak-anak ng veteran TV host ang singer na nagpasikat sa kantang “Pare, Mahal Mo Raw Ako.”

Nakausap din daw ni Kuya Germs doon ang Concert King na si Martin Nievera.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bukod sa pagdalo ni Kuya Germs sa concert ni Michael ay namataan din ang TV host sa GMA Network kahapon upang bisitahin ang ilang Kapuso executives.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Kuya Germs
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tila dire-diretso na ang paggaling ng veteran TV host na si German Moreno, pagkatapos ma-mild stroke, dahil nakaka-attend na ito ng showbiz functions, kagaya na lamang ng concert ng kanyang anak-anakan na si Michael Pangilinan, kagabi, February 11.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results