Robin Padilla, Richard Gomez reveal views on Mamasapano incident; Binoe calls for peace, Goma calls for war

Some celebrities have expressed their opinion about the ongoing Mamasapano investigation and other issues related to this. While Robin Padilla (left) calls for the implementation of Bangsamoro Basic Law together with the MILF, Richard Gomez (right) thinks it is better to go to a war with them.


Hindi naiwasan ng ilang artista na magpahayag ng kanilang saloobin at opinyon hinggil sa mga isyung may kinalaman sa isinasagawang imbestigasyon sa Mamasapano incident.

Sa Mamasapano, Maguindanao nasawi ang 44 Special Action Force (SAF) troopers mula sa kamay ng ilang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong January 25.

Magkasalungat ang opinyon ng top actors na sina Robin Padilla at Richard Gomez sa isinasagawang imbestigasyon ng #Fallen44 at iba pang isyung may kinalaman dito.

Sa pamamagitan ng kanilang social media accounts, ipinahayag nina Robin at Richard ang kanilang saloobin sa mga isyung may kinalaman sa Mamasapano encounter.


ROBIN PADILLA SAYS. Sa kanyang Instagram account, nag-post ng larawan si Robin hinggil sa pagkaka-postpone ng proposed bill na Bangsamoro Basic Law (BBL) sa House of Representatives nitong Martes, February 10.

Napagdesisyunan na ipagpaliban muna “indefinitely” ang pagsusulong ng BBL upang magbigay-daan sa imbestigasyon sa Mamasapano incident.

Marso 2014 nang nagkasundo ang MILF at ang gobyerno ng Pilipinas para sa isang Comprehensive Agreement sa Bangsamoro para sa pagtatatag ng bagong Bangsamoro political entity na siyang papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Taglay ng ipinanukalang BBL ang balangkas para sa paglikha ng bagong Bangsamoro entity na mayroong mga probisyon ng itatayong sistema, ang mga mamumuno nito, karapatan ng mga tao, justice system, kaayusan ng publiko, economy and patrimony, fiscal autonomy, at iba pa.

Para kay Robin, ang pagsusulong ng BBL ang tunay na daan para makamit ang pederalismo—ang pagkakaroon ng kasunduan ng mga partido o grupo “with a governing representative head,” ayon sa Wikipedia.

Narito ang kabuuang caption ni Robin sa nasabing IG post:

“From 1380 to 2015, 635 years of Foreign Domination... We can never move forward as a Country until we empower our own Regional Cultures, Laws and Traditions. Bangsamoro Basic Law is the only straight ROAD to FEDERALISM..... My dearest countrymen before the foreign invaders, we are a FEDERAL Country. Read your History..... Know your ROOTS ... Stop fighting the War of our Foreign Fathers.... Wake UP.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isa pang post ni Robin, nag-quote siya ng pahayag ng isang US Marine na may kinalaman sa digmaan.

Ang nilalaman ng quote, walang regulasyon pagdating sa giyera.

Ayon sa post ni Robin: “War is War, its not a boxing ring that has rules,There is No such thing as a Fair Battlefield, when you see your enemy coming with an AK 47, i will engage him with a Tank -- US Marine Lieutenant Afghan campaign...#ILOVEPEACE #JUSTICE.”

RICHARD GOMEZ SAYS. Kung suportado ni Robin, na isang Muslim, ang pagsusulong sa BBL, kabaliktaran naman ang opinyon ng actor-TV host na si Richard Gomez.

“Scrap the peace talks, scrap the BBL. Do what Pres Erap did, give them war!”

Ito ang matapang na pahayag ni Richard sa kanyang Facebook account.

Sang-ayon din ang aktor sa pagpu-post sa social media ng video kung saan ipinapakita ang mga katawan ng mga nasawing SAF troopers sa naganap na engkuwentro sa Mamasapano.

Binatikos ng ilan ang controversial video dahil insensitibo umano ito para sa pamilya ng mga nasawing pulis.

Maging ang Philippine National Police (PNP) ay naglunsad ng kautusan upang dakpin ang mga nagpakalat ng nasabing video.

Pero para kay Richard, mas mabuti na maipakita ito sa mga tao.

Aniya: “Some say dont share the video of the milf killing the SAF. I say share the video of the heartless killings of the rebels so the people will know what kind of people they are!

"Scrap the peace talks, scrap the BBL. Do what Pres Erap did, give them war!”

Sa isa pang post ni Richard, ipinost nito ang quote mula kay MILF chief negotiatior Mohagher Iqbal na sinabing sa kabila ng pagkakaroon ng unawaan sa gobyerno ay nananatiling revolutionary pa rin ang MILF.

Umani ng batikos ang pahayag na ito ni Iqbal, at kinukuwestiyon ng netizens ang sinseridad ng MILF sa pakikipagtulungan sa imbestigasyon upang maresolba ang Mamasapano case.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag dito ni Richard: "Kung hindi nyo pa rin nakuha ang sinasabi ng ugok na ito eh baka mabuti pang barilin na lang natin ang ating mga sarili sa ulo!!!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN