Chiz Escudero on PNoy’s absence at his wedding to Heart Evangelista: “I told him not to go.”

Senator Chiz Escudero on PNoy’s absence on the day of his wedding in Balesin: It’s an out of town wedding. Hassle para sa kanya. He might have things to do. Actually, para sa amin hassle din yun,” said the senator in an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) and YES! Magazine.

Seen in photo: Chiz Escudero at Acropolis Clubhouse last February 9, 2015; PNoy at Batasang Pambansa Complex last July 28, 2014


Inihayag ni Senator Chiz Escudero na hindi makakarating si President Benigno “Noynoy” Aquino III sa kasal nila ng aktres na si Heart Evangelista, na gaganapin sa Balesin, Quezon province, sa February 15.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at YES! Magazine noong February 9, sinabi ni Senator Chiz na ang itinuturing niyang malapit na kaibigan mula sa mundo ng pulitika ay si PNoy.

Si PNoy ang piniling Best Man ni Senator Chiz dahil magkaibigan na sila mula noong panahong hindi pa Pangulo ng bansa si Noynoy.

Nang tanungin kung ano ang reaksiyon niya na hindi makakarating si PNoy sa kanyang kasal, nilinaw ng senador na siya mismo ang nagsabi na huwag nang pumunta ang Pangulo sa Balesin.

Sabi ni Senator Chiz, “Hindi sa okay lang sa akin, I told him not to [go].

“And he can just join us in the Manila reception if he’s available.”

Ngunit nilinaw ng senador na ang hindi pagdalo ni PNoy sa kanyang kasal ay walang kinalaman sa problemang kinahaharap ng Pangulo ngayon.

Partikular na rito ang madugong Mamasapano operation ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police, noong January 25.

“Hindi naman [sa madaming problema]. Last year pa [nasabi ko na sa kanya].

“It’s an out-of-town wedding.

“Hassle para sa kanya. He might have things to do.

“Actually, para sa amin, hassle din yun,” paglilinaw ng senador.

Sa isang panayam noong December 12, pahapyaw na nabanggit ni PNoy ang pagdalo niya sa kasal nina Chiz at Heart ngayong Pebrero.

Read: PNoy on his lack of lovelife: “Ako ang dakilang abay.”

Sabi ulit ni Senator Chiz ukol dito: “I told him to go to Manila.

“In fact, the invitation I sent him was the one for Manila.”

Sa February 18 gaganapin ang Manila reception para sa kasal nina Senator Chiz at Heart. #chizheart21515


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN