Andi Eigenmann on Albie Casiño: “I don’t need him. He doesn’t need to be a part of our lives.”

Nagtataka raw si Andi Eigenmann kung bakit biglang binuhay ni Albie Casiño ang isyu tungkol sa kung sino ang tunay na ama ng kanyang anak. Pero hindi pa rin binigyang-linaw ng aktres ang usap-usapang si Jake Ejercito diumano ang talagang ama ng kanyang anak.


“I don’t need him!”

Ito ang matapang na buwelta ni Andi Eigenmann sa mga rebelasyon nitong mga nakaraang araw ni Albie Casiño, ang pinaghihinalaang ama ng anak ng Kapamilya actress.

Sa ulat ng TV Patrol kagabi, February 12, sinabi ni Andi, “Sa akin lang, I never really asked anything from him or made him act like a father or be one to my daughter, regardless of the fact that he is the father of my daughter or not.

Diin pa ng 24-year-old actress, "“I don’t need him.

“He doesn't need to be a part of our lives.

"We never asked anything from him so I don’t understand why, all of a sudden, it’s a big deal again."

Matatandaang unang lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga bagong pahayag ni Albie tungkol sa usap-usapang baka si Jake Ejercito ang ama ng anak ni Andi.

Ito’y bunsod na rin ng on-again, off-again relationship nina Andi at Jake.

Read: Albie Casiño on talks about the real father of Andi Eigenmann's child: "If you have a secret, you can't keep it hidden forever."

Sa naturang interview, sinabi ni Albie na hindi na niya itinuloy ang balak ng kanilang pamilya na DNA test dahil daw hassle ang naturang proseso.

Nang si Andi naman ang tanungin tungkol dito, sabi niya: “People are asking me, ‘Bakit kasi hindi ka na lang magpa-DNA test para malaman na?’

“But the thing is, I don’t have anything to explain to people.

"Ellie is a private person, a private child, she’s only three years old.

"Huwag na nating idamay ang isang bata para lang may mapag-usapan."

Ito rin ang naging tugon ni Jake sa isyu.

Sa isang post sa www.ask.fm, sinabi ng anak ni Mayor Erap Estrada ayaw na sana niyang patulan ang isyu, pero nadadamay na raw ang isang inosenteng bata sa isang "desperate showbiz promo ploy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Jake Ejercito slams Albie Casiño’s statement on paternity issue: "Nothing but a desperate showbiz promo ploy."

Mensahe naman ni Andi kay Albie, “I just wish he chose to do the more civil and educated thing to do, which is to talk to me about it first instead of going on the news and use it as some sort of a promo or a ploy.”

Tanong pa kay Andi: Si Jake ba talaga ang ama ng kanyang anak?

Sagot niya, “No. I’m not saying that. I’m not saying that at all.

"You become a mother by biology but you become a father by fate.

“Hindi ko kailangan, kung sino man talaga yung ama.”

Sa event kung saan nakapanayam ng TV Patrol si Andi, kasama nito ang napapabalitang masugid niyang manliligaw ngayon na si si Bret Jackson.

Ito ay sa kabila ng usap-usapang nagkabalikan na naman sina Andi at Jake, matapos lumabas sa Instagram ang larawan nilang magkasama sa Singapore.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN