Gabby Eigenmann reveals why he likes Jake Ejercito more than Bret Jackson for sister Andi

Gabby Eigenmann on sister Andi: "Every time she stumbles, every time she goes to an obstacle, lahat naman ng nakapaligid sa kanya, especially yung mga nagmamahal sa kanya, ang reaction lang is, ‘Okey ka lang?’ Ganun lang naman, e. Pero kung tutulungan mo siyang itayo at willing siyang magpatayo, like, kunwari gusto niyang magpatayo sa nanay niya [Jaclyn Jose] or sa akin or sa iba niyang mga kapatid, tutulungan namin."


Bilang panganay na kapatid ni Andi Eigenmann, hindi maiwasang tanungin ng entertainment press ang Kapuso actor na si Gabby Eigenmann tungkol sa mga isyung kinasasangkutan ng Kapamilya actress.

Muling nabuhay ang isyu tungkol sa tunay na ama ng anak ni Andi dahil sa pahayag ng ex-boyfriend ng aktres na si Albie Casiño, na tila itinuturo si Jake Ejercito bilang siyang totoong tatay ng anak ng kapatid ni Gabby.

Sabi nga ni Albie sa nakaraan niyang panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “There is always Jake.”

Read: Albie Casiño on paternity issue: “If there’s one constant, Jake’s always there.”

Nang matiyempuhan ng PEP si Gabby sa opisina ng PPL Entertainment Inc., sa may Quezon City, ay kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa naging pahayag ni Albie tungkol sa paternity issue.

Pahayag ng kuya ni Andi, “Baka opinyon niya lang yun.

“He was never there naman.

“Kung ipasa niya kay Jake, opinyon niya yun, kasi he was never there naman to begin with.”

Nao-offend ba si Gabby na hanggang ngayon ay isyu pa rin kung sino talaga ang totoong ama ng anak ng kapatid niya?

Tugon niya, “Ayoko namang maging ipokrito, of course, I do feel something. Pero sa akin na lang yun.

“Ang ano ko lang naman, e, he was never needed.

“Hindi naman hinanap. Hindi naman hiningan ng tulong.

“We just leave it at that.”

HELPING ANDI. Ano ang pakiramdam ni Gabby na dahil sa isyung ito ay nalalagay sa “bad light” si Andi?

“Well, the last time I spoke to her, what she’s only longing for is happiness.

“Kung anuman yung happiness na hinahanap niya—whether with the boy or whatever or with her career—nasa sa kanya na.

“May edad na siya, e.

“Every time she stumbles, every time she goes to an obstacle, lahat naman ng nakapaligid sa kanya, especially yung mga nagmamahal sa kanya, ang reaction lang is, ‘Okey ka lang?’ Ganun lang naman, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung tutulungan mo siyang itayo at willing siyang magpatayo, like, kunwari gusto niyang magpatayo sa nanay niya [Jaclyn Jose] or sa akin or sa iba niyang mga kapatid, tutulungan namin.

“Hindi naman namin maipagkakaila yun, we’ll always stick to each other, we’ll always help each other.

“But like I’ve said before, lahat naman kami, may kanya-kanyang pag-iisip.

“Kung anuman ang gawin niya sa buhay niya, we will give that freedom to her, to realize, whether it’s wrong or right, the choices that she made.”

BRET JACKSON. Maliban kay Jake Ejercito, isa pang nauugnay ngayon kay Andi ay si Bret Jackson.

Gaya ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose, balita ring hindi raw pabor si Gabby kay Bret para sa kanyang half-sister. Totoo ba ito?

Paliwanag ng aktor, “Well, alam mo, sa akin naman, kahit naman kay Maxine, kahit kay Stevie, kahit kay Sid, sa mga kapatid kong babae, it would take time for me to accept the fact that they’re grown-up already.

“That they are allowed to have kids, they are allowed to have boyfriend.

“Siyempre ako, parang second dad nga nila ako, so ayoko. Kahit sino, ayoko.

“Pero hindi ko naman magagawang pigilan yun, ‘di ba?”

Dagdag niya, “Ang sa akin lang, if this person would guide her, would show not just to Andi, but to the family na, ‘Kaya kong alagaan si Andi…’”

Kaya niyang tanggapin si Bret?

“Hindi,” pag-amin niya.

“Kasi sa nangyayari ngayon, hindi ko nakikita na napapabuti siya.

“I have no nice words to say and I don’t have ill words to say also.

“Ayoko namang mag-judge, kasi baka naman may nagagawa ngang maganda itong tao na ito na siya lang ang nakakaramdam, malay ba namin?

“Pero sa nakikita namin, hindi. Otherwise, huwag na, ‘di ba?

“And now, you’ll say, bakit mas gusto ko si Jake, because may respeto siya sa amin. May respeto kami sa kanya. Ipinakita niya yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When my dad died, he was there. When Andi was trying to find herself, he was there—whether sila o hindi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN