Iñigo Pascual does not mind playing second lead to KathNiel loveteam

Iñigo Pascual on having a loveteam partner: “It wil be good kung kaya mong mag-isa, pero siyempre po, now, gusto nila yung kilig, yung gusto nila ay yung may partner. Kahit ano ang gusto nilang gawin o kung ano ang sasabihin ng mga boss natin, I’m willing to do it. At saka mas masaya ’pag may partner.”


Walang kaso sa baguhang teen actor na si Iñigo Pascual kung second lead lamang siya sa pelikulang Crazy Beautiful You, na post-Valentine presentation ng Star Cinema.

Pinagbibidahan ito ng sikat na loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na may bansag na "KathNiel."

Samantalang si Iñigo naman ay nagbida na sa pelikulang Relaks, It's Just Pag-ibig, opposite Sofia Andres, noong 2014.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iñigo sa presscon ng Crazy Beautiful You, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, kahapon, February 12, naging bukas siya sa pagbibigay ng saloobin tungkol sa bagay na ito.

Bungad ng anak ni Piolo Pascual, “Before I answer this, gusto ko lang na [sabihin] hindi palaging lead role ka.

“But I’m happy to be a part of this movie, and it's my first time with Star Cinema.

“So, hindi kailangan na lead role ako.

“At kasama ko ang KathNiel, so it's an honor to be working with them, with Tito Gabby [Concepcion] at Tita Lorna [Tolentino].”

Ang Relaks, It's Just Pag-ibig ay iprinodyus ng Spring Films at ini-release ng Star Cinema.

Patuloy pa ni Iñigo, “I'm very happy.

“I don't feel bad being a side character and not being the main character.”

SUPER REAL. Ang nakakatuwa nga raw ay nai-inspire siya ng loveteam nina Kathryn at Daniel.

“Super!” bulalas ni Iñigo.

“Kapag nakikita ko sila… minsan lang ako nakapanood ng isang loveteam na super real.

“Kahit off-cam, nakaka-inspire sila kasi nakita ko talaga na there's a real bond na very special.

“Kaya sila nag-i-standout kasi sobrang sweet sila sa isa't isa.

“I guess, that's one thing really special about them.

“Yun nga, kapag nakikita sila sa screen, parang it gives me the idea on how to act to my future loveteam ko.”

Sa parte ni Iñigo, ano sa palagay niya ang magagawa ng isang loveteam sa kanyang career?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakatulong ba ito o mawawala ang focus niya sa kung anuman ang plano niya bilang isang solo actor?

Tugon niya, “It depends.

“It wil be good kung kaya mong mag-isa, pero siyempre po, now, gusto nila yung kilig, yung gusto nila ay yung may partner.

“Kahit ano ang gusto nilang gawin o kung ano ang sasabihin ng mga boss natin, I'm willing to do it.

“At saka mas masaya 'pag may partner.”

KATHNIEL. Kahit paano’y naiinggit nga raw si Iñigo sa loveteam nina Kathryn at Daniel.

Aniya, “Nung nasa set kami, nakikita ko sina Kath at Daniel, parang naiinggit ako, na parang, ako, wala akong ka-loveteam.

“Parang naiinggit ako.

“Ako kasi, usually ang ka-loveteam ko, I bug them… talagang hindi ko pinapatulog, lagi kong kinakausap.

“So, sabi ko, wala akong ma-bug dito sa set, so lahat ng tao, kinakausap ko na lang.”

Naniniwala si Iñigo na malayo pa ang mararating ng KathNiel loveteam dahil sa sobrang pagiging solido nito.

“I'm very proud that I witness them grow.

“Dati, pinapanood ko lang sila, wala, sila yung loveteam na out nowhere ay biglang boom at hanggang ngayon ay...

“’Di ba, kasi ang loveteam, nawawala 'yan kaagad? Pero sila, hindi nawawala.

“And I'm sure, it's gonna grow into a really independent people and as partners as well.

“I'm really lucky that I was able to work with them, and I'm very thankful at this point of my life, I'm working with them.”

SOFIA ANDRES. Tuloy, naitanong namin kay Iñigo ang tungkol sa loveteam nila ni Sofia. Ano ang nangyari dito?

Paliwanag niya, “Well, nagkaiba kami ng projects, normal naman po yun sa work namin.

“Sabi ko nga noon, when we're going almost something deeper, something more than friendship, pero hindi yun nawala.

“We're still good friends, but we're really thinking of kung ano talaga ang aming priorities to our lives.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN