Jessa Zaragoza and Dingdong Avanzado get a scare after daughter Jayda’s fainting spell

Labis na nag-alala ang mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado nang bigla na lang himatayin ang kanilang nag-iisang anak na si Jayda sa banyo kahapon, February 12.


Binalot ng takot ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza nang biglang himatayin ang kanilang nag-iisang anak na si Jayda Avanzado kahapon, February 12.

Ikinuwento ni Jessa sa Instagram at Facebook ang kanyang naging karanasan, kalakip ang dalawang magkahiwalay na larawan nila ni Dingdong kasama ang anak.

Nag-alala raw ang actress-singer sa kalagayan ng anak nang bigla itong himatayin sa kanilang banyo.

Hindi raw alam ni Jessa kung ang rason kung bakit nahimatay si Jayda.

Ang alam daw niya, nagkaroon ng lagnat ang anak at nilalamig ito.

Binigyan daw nila ito ng isang inumin para mapalitan ang electrolytes na nawala rito.

Matapos ang ilang oras ay dinala na nila si Jayda sa ospital para mpa-check-up.

Ayon pa kay Jessa, noon lang niya naramdaman ang ganoong takot nang makita ang nangyari sa anak.

Si Dingdong, na nagpapagaling pa mula sa isang knee sugery, ay agad daw umakyat nang marinig ang sigaw ni Jessa.

Harassed daw silang mag-asawa sa nangyari dahil kailangan nilang pumunta sa kani-kanilang mga commitment.

Si Jessa sa taping ng Pepito Manaloto at si Dingdong sa guesting niya para sa It’s Showtime.

Pinasalamatan din ni Jessa sa kanyang posts ang Pepito Manaloto production team sa concern ng mga ito sa kanyang anak, ganun din ang netizens na nagpahayag ng kanilang pag-aalala sa nangyari.

Malayo na raw sa panganib ang anak na nagpapahinga sa kasalukuyan.

Narito ang kabuuang post ni Jessa sa kanyang Instagram at Facebook account:

It really is a different kind of pain when your child gets sick. Last tuesday,we had a scary and stressful situation concerning Jayda's health. She fainted in the bathroom. Good thing I was still with her, but my initial reaction was a mixture of emotions, all centered into protecting my daughter. I called Dingdong @iamdingdong_a for help and he immediately ran upstairs upon hearing my distressed voice, even if he's still recuperating from his knee surgery. We were so shocked and nervous upon seeing Jayda collapsed because all I know is that she just had fever and was a bit under the weather the night before. We gave her a drink. My mom and my brother Vince who graduated Nursing prepared a drink that can replenish her electrolytes. A little later that day,Mom and my assistant brought her to the Hospital. Harassed as we are, Dingdong and I still went to work. I went to my Pepito Manaloto taping while he proceeded to his Showtime guesting. At the moment, Jayda is resting and recovering, while taking the necessary meds to make her better. Thank you to my Pepito Manaloto family for your genuine concern to our daughter❤️. Jayda was able to read all your messages. We pray that she gets better soon. I can't describe how worried we are as her parents😢. #praying #LORDplshealourChild #jaydaavanzado #pusoNgisangMagulang

A photo posted by Jessa Zaragoza-Avanzado (@iamjessaz13) onFeb 11, 2015 at 11:07pm PST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN