Nadine Lustre on supporting James Reid amidst controversies: "Since we’re a team nga, dapat solid."

Nadine Lustre says James Reid opens up to her about girls that he likes. “Kinukuwento naman po niya sa akin, so hindi ko na siya tinatanong.”


Tila hindi pa rin makapaniwala si Nadine Lustre sa mga magandang nangyayari sa career nila ng ka-loveteam niyang si James Reid.

Matapos kasing mag-hit sa takilya ng dalawang pelikula nilang Diary of A Panget at Talk Back And You're Dead noong 2014, ngayong ay sisimulan na nila ang kauna-unahan nilang teleserye sa ABS-CBN na sila ang bida—ang On The Wings of Love.

Ngayong Biyernes ng umaga, February 13, ay humarap sa entertainment press sina James at Nadine—o kilala rin bilang JaDine—para sa announcement ng kanilang pagbibidahang teleserye.

Masayang lahad ni Nadine, “With everything that’s happening until now, parang kulang pa ako sa kurot, parang hindi pa nagsi-sink in sa akin ang lahat ng nangyayari.

"But then, I’m just really thankful kasi ang bilis ng nangyayari."

Sabi naman ni James, “It’s hard to digest and to actually realize that we have a full teleserye to ourselves.

"So, we feel a lot of pressure, but we’re so excited.”

Inusisa rin ang JaDine kung ano ang masasabi nila na ang itinatapat sa kanilang loveteam na KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) ay gagawa rin ng teleserye sa ilalim ng Dreamscape Entertainment.

Magbibida ang KathNiel sa remake ng Pangako Sa ‘Yo.

Sabi ni James tungkol dito, “It has been like that since the beginning.”

Paniniwala naman ni Nadine, “Nag-die down na din yung pagko-compare.

"But then, yun nga po, we’re just really happy na may project kami, na we’re doing well pa rin.

“Medyo nag-die down na din yung issue.”


ASSURANCE TO FANS. Inusisa rin ang dalawa kung napi-pressure ba sila dahil maraming fans ang nag-aabang sa kanilang mga proyekto.

Sabi ni James, “The fans make it easier for us, 'coz they give us so much support, and we’re just even more excited than we really are.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag naman ni Nadine: “It’s the excitement. Mas nananaig yung excitement kesa sa pressure.

“But then, it’s good to feel pressured.

"Feeling mo, mas natsa-challenge mo ang sarili mo to do better.”

Sinagot din nina James at Nadine ang isyung hindi naman daw sila sa totoong buhay, at ang pagkaka-link ni James sa non-showbiz girls.

Paglilinaw ni James, “Well, first of all, they have these rumors and, I mean, we try not to let them get to us.

“Sometimes it does, but I guess we just do our best.”

Pinag-uusapan ba nila kapag nai-involve si James sa ibang babae?

“Yeah, well, she’s my closest girl friend,” ani James tungkol kay Nadine.

Sabi naman ni Nadine, “Since we’re a team nga, dapat solid. Solid kami.

"But then, I’m very confident na kaya niyang lagpasan yung mga challenges na dumarating sa kanya. Kaya niya naman."

Kung may nagugustuhan naman daw si James na ibang babae, hindi raw niya ito itinatago kay Nadine.

Sabi pa ng young actress, “Ikinukuwento naman po niya sa akin, so hindi ko na siya tinatanong.”

Tinanong naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang The PEP List nominees kung ano ang gusto nilang sabihin sa kanilang fans na umaasa pa ring magkakatuluyan sila.

Sabi ni James, “I’m not dating anyone. It’s not true.”

Sabi naman ni Nadine, “Relax lang kayo, okay lang kami.

“Minsan, when they get affected nga, nadi-disappoint sila.

“Some of them are thinking na baka nahe-hurt daw ako.

"Pero we’re okay. Solid tayo.

"Relax lang kayo diyan, kaya natin ‘to.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN