Derek Ramsay defends ex-gf Angelica Panganiban: "I know for a fact na hindi niya inagaw si John Lloyd kay Shaina."
by Rey Pumaloy posted on

Derek Ramsay on why possible romance with Jennylyn Mercado didn’t materialize: "Malaking ano doon is the showbiz factor. And I’m not into changing her, we ended up becoming good friends."


Aminado si Derek Ramsay na nabighani siya sa kanyang leading lady na si Jennylyn Mercado sa Metro Manila Film Festival entry na English Only Please nang gawin nila ang romantic comedy.

Pero si Derek na raw mismo ang pumigil sa sarili na ma-in love sa kapareha.

Aniya, “Sinabi ko naman sa inyo, when I was with Jen [Jennylyn], she's a wonderful girl.

"She has all the qualities I'd like somebody I wanna be with to have.

“I mean, she’s attractive, yes. She’s nice, she’s smart, she’s responsible.

"I love the way she loves her family, but malaking ano doon is the showbiz factor.

"And I’m not into changing her, we ended up becoming good friends.

"Sobrang na-touch nga ako dahil she invited me to be a part of her major concert.

“I don’t think a lot of people know she’s really a singer.

"With the movie, it’s a revelation, Jennylyn is a great actress.

"She can do rom-com and now she’ll prove that she’s a good singer.”

Ibinalita rin ng aktor na kakantahan niya si Jennylyn sa concert nito.

Nakapanayam si Derek ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng bago niyang show sa TV5, ang reality-based adventure program na Extreme Series; Kaya Mo Ba To?, noong February 11, sa location shoot nila sa Taytay, Rizal.

A GOOD MATCH. Dahil naging item silang dalawa ni Jennylyn habang ginagawa nila ang English Only, Please, hindi ba niya talaga niligawan ang nasabing kapareha?

“Ah, no-no. We’re very close friends.”

Wala talagang flowers o chocolates?

“No, wala talagang flowers, I gave her a gift for Christmas.

"Ano ba ang ibinigay ko sa kanya noon?

"Playstation yata, mahilig rin sa games yun, e.”

Pero marami ang nagsasabing bagay silang dalawa ni Jennylyn dahil pareho ang mga gusto sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s what I said, 'di ba?

"In so many ways I could see myself being together [with her].

"But she’s in showbiz, at ang rule ko sa sarili ko ay no more showbiz. Too much drama.”

Alam ba ni Jennylyn na nagkaroon ng interes si Derek sa kanya o naramdaman ba ito ng aktres?

“It wasn’t never na… it wasn’t like a thing I focused on.

"It was just like… I saw her, she was nice to me, and we really had a good relationship.

"I just told myself sana I can find someone outside showbiz that has her [Jennylyn] qualities.

“So I never led her on or made her feel yung pressure.

"And if I did, I think it would reflect on the movie.

"So I guess, that is why we’re so comfortable with each other.”

DEFENDING ANGELICA. Tumangging magbigay naman ng komento si Derek sa bagong isyung kinasasangkutan ng ex-gilfriend niyang si Angelica Panganiban.

Nagsimula ito nang mag-guest si Angelica sa Gandang Gabi Vice.

Naging kasintahan ni John Lloyd Cruz si Shaina Magdayao bago naging girlfriend nito si Angelica. Guest rin sa show si John Prats na dati namang boyfriend ni Shaina.

Marami ang nagulat nang madulas ang dila ni Angelica sa show ni Vice Ganda at ibinulalas na siya ang dahilan ng hiwalayan nina John Lloyd at Shaina.

Sabi ni Derek nang hingan siya ng opinyon tungkol sa isyu, “I haven’t seen the video. I don’t know how to comment on…"

Dagdag pa niya, "I’m aware, but I’m the type of guy that I wanna see it [video] first before I open or comment on anything.

“But I know for a fact na hindi naman niya [Angelica] inagaw si John Lloyd kay Shaina.

“From what I know, lahat naman sila dating magkaibigan, 'di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, John Prats is the ex of Shaina. Shaina and John Lloyd…

"That’s why I didn’t want to get involved when that was all happening.”

Sa tingin ba niya, naging tactless si Angelica sa pananalita niya?

“Ahm, I don’t think Angel… it’s kinda shocking that she would say those kind of things.

"But like what I said, I haven’t seen the video. But ang dami na ngang nagsasabi.

“I know Angel is a type of person that speaks [her mind].

"She’s a very emotional person, 'pag may pinagdadaanan she’s very vocal.

"Sometimes she speaks from the heart and doesn’t think about what she says.

“So sometimes she might say things she doesn’t mean… I don’t know.

“Maybe she said things in a joking way.

"Maybe she said things in a way that was misunderstood.

"Or maybe she was very emotional and she let go of things that she really didn’t mean to say… I don’t know.

“Si Shaina naman, I know her because of Vina [Morales, Shaina's sister].

"Vina is very close to me.

"And Shaina naman isn’t the type who will react to something like this.

"From what I know of her… I don’t know, ano bang nangyari kay Shaina?”

THE CURRENT ONE. Ang kasalukuyang apple of the eye ngayon ni Derek ay isang non-showbiz girl na matagal na raw niyang kakilala.

Siya ay ang part time model na si Joanne Villablanca.

Ayon kay Derek, “She’s not that athletic but she lives in style.

"Hindi siya stewardess, hindi siya yung sinasabi ng tao na flight attendant. Hindi 'yan totoo.

“Nag-commercial siya na parang flight attendant siya, pero hindi siya flight attendant.”

Paano sila nagkakilala?

“Through common friends many-many years ago in Cebu.

"She’s not Cebuana, but she lives in Cebu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May ipinakita pa nga siyang picture before, 'Hey, we had a picture together.'"

Hindi raw isyu kay Derek ang pagkakaroon ng love child nito.

“No, not at all. Kung mahal mo, 'di ba?

"I’m not that kind of guy, I won’t judge somebody from her past.

"It’s what you show me sa harap, kaya nasasaktan ako.

"What you show me right there and then, not because of your past.

“I didn’t know you during your past. It’s what you show me.

"Usually, I put my heart out right away, that’s why I get hurt.

"So I’m taking it slow. Maganda naman yung ipinapakita niya, e.”

WEDDING BELLS? Paano kung si Joanne na nga ang hinahanap mo, magpapakasal na siya?

“Yung partner ko, kung ito talaga ang gusto niya, ibibigay ko.

"Basta, para sa akin, the mother of my kids is the one I wanna spend the rest of my life with.”

Nagpaparamdam na ba siya kay Joanne?

“Ayoko namang takutin. Relax lang muna.

"Kaka-ano pa lang namin, we got close over the holidays.”

Inamin naman ni Derek na nandun si Joanne noong bakasyon niya sa Tali Beach kasama ang iba pa niyang mga kaibigan.

“Ang gusto ko sa kanya, mabait siya sa mga kaibigan ko, walang kaarte-arte.”

HER DAUGHTER. Nilinaw ni Derek na wala pa silang pormal na relasyon kaya hindi niya masabi kung gaano na sila katagal nito.

“Minsan, bumibisita siya sa set, mostly dito [Extreme Series]. “

Hindi nga lang daw nakabisita si Joanne noong araw na andun kami dahil kinailangan niyang samahan ang kanyang anak.

“One week kasi her daughter is with the father, this week, with her naman.

“I like how she prioritizes things.”

Close rin daw kay Derek ang anak ni Joanne.

Kuwento pa niya, “Ayaw niyang maniwala na magiging close ko yung anak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi her daughter raw is a snob.

"So when I met her, hindi ko talaga tinigilan.

"Ayun, close na kami, the kid calls me 'Tito.'”

Aampunin ba niya o isusunod sa apelyido niya ang pangalan ng bata sakaling magpakasal sila ni Joanne?

“You know, she’s [daughter] very close to her father, so I will never get in [the way].

"But will I treat her as my own? Of course.

"Gano'n ang pamilya namin, that’s why my mom is so blessed.

“No'ng isang araw nga she called me, asking me about adopting a child na ipinapasa ng mga nuns sa Tagaytay.

“Sabi ko, 'Mom I’m all for it if the family wants to adopt a child.'

"I don’t know what happened, pero she wants to.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN