Sarah Geronimo reveals how she bonds with boyfriend Matteo Guidicelli

Sarah Geronimo confirms movie with Piolo Pascual, but the movie project with Lee Min Ho, she says, has not been finalized.


Pagkatapos mapabalitang hindi na raw matutuloy ang pelikulang pagsasamahan nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual, kinumpirma ng Pop Star Princess na "tuloy po."

Nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa prescon ng kanyang endorsement, San San Cosmetics, noong February 12, sa 9501 Restaurant, ABS-CBN compound, Quezon City.

May lumabas din na balitang ang Korean heartthrob na si Lee Min Ho raw ay makakatambal din niya sa isang pelikula.

Ayon kay Sarah, “Lee Min Ho? Hindi pa po kami nag-uusap ni Boss Vic [del Rosario] about it. Sana, sana…”

Kung sakaling meron siyang pelikula kunsaan katambal ang Korean actor, okey ba ito sa kanya?

“Opo, opo naman,” saad niya.

Pero kay Sarah na rin nanggaling na kung may mauuna raw siyang gawin pagkatapos ng The Voice, ito ay ang pagsasamahan nilang pelikula ni Piolo.

BLOOMING. Marami ang nakapansin kay Sarah na lalo itong “blooming.” Bagay nga raw sa kanya ang “Simple, Beautiful Everyday” tag line ng kanyang ini-endorso.

Nakatutuwa rin si Sarah dahil wala siyang paliguy-ligoy sa pagsagot ng mga tanong na ibinabato sa kanya kahit na madalas, limitado lang ang oras sa tuwing nakakausap siya ng entertainment press.

“Opo naman,” ang mabilis na sagot ni Sarah nang tanungin kung lovelife ba ang isa sa mga dahilan kaya lalo siyang blooming.

Ano nga ba ang nakakapagpa-inspire sa kanya?

“Ano ang inspirasyon ko? Ito po, ito pong mga taong ito na nagtitiwala sa akin ng ganitong kalaki. At siyempre, unang-una, pamilya. 'Tapos yun nga, special someone.

“Trabaho, trabaho talaga, and the passion for music,” saad pa niya.

TIME MANAGEMENT. At kahit busy sa kani-kanilang mga showbiz commitments si Sarah at ang boyfriend na si Matteo Guidicelli, nagagawa pa rin daw nilang magkaroon ng oras para sa isa't isa.

Paano nababalanse ang oras niya?

“Basta alam mo naman sa sarili mo kung paano balansehin. Nagkita kayo this day, tomorrow, ilang araw, dapat pamilya naman,” lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas ang komunikasyon nilang dalawa?

“Opo, importante yun,” dagdag din niya.

Paano yung mga “bonding moments” nila ni Matteo?

Ani Sarah, “Minsan po nagdi-dinner. Minsan nanonood ng movies, ganun po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN