Heart Evangelista birthday bash is on; celebrity guests arrive in Balesin

Heart Evangelista celebrates her 30th birthday today, February 14. Tomorrow, she becomes Mrs. Chiz Escudero.


Kasalukuyang ginaganap ang selebrasyon para sa 30th birthday bash/despedida de soltera ni Heart Evangelista sa Royal Villa ng Balesin Island Club ngayong Sabado ng gabi, February 14.

Nagsimula ito sa pagbibigay ng fiancé ni Heart na si Senator Chiz Escudero ng long-stemmed roses sa female guests.

Katatapos lang mag-wish at i-blow ni Heart ang birthday candles nito.


GUESTS FROM SHOWBIZ. Samantala, malapit nang makumpleto ang celebrity guests na dadalo sa private wedding ceremony ng couple bukas ng hapon, February 15.

Nagsimula nang magdatingan sa isla ang malalapit na kaibigan ni Heart mula sa larangan ng showbiz.

Pasado alas-onse ng umaga nang lumipad mula Manila patungong Balesin ang Kapamilya actress na si Jolina Magdangal kasama ang asawa niyang si Mark Escueta at isang taong gulang nilang anak na si Pelé.

Bandang alas-dos ng tanghali naman dumating ang isa sa bridesmaids ni Heart na si Solenn Heussaff, kasabay sina Jackie Lou Blanco at tatlong anak ng aktres.

Bagamat kada oras ang lipad ng private plane service, hindi maiwasang magkaroon ng delay sa scheduled flights ng mga bisita.

Bunsod nito ay bahagyang na-delay ang magkasintahang Lovi Poe at Rocco Nacino, na namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa private hangar sa Pasay City pasado ala-una ng tanghali.

Mula sa airport hangar ng Balesin ay dumiretso ang mga nabanggit sa Royal Villa ng Balesin kung saan may nakahandang tanghalian para sa lahat ng bisita nina Heart at Chiz.

Dito ay nagkaroon ng pagkakataon na makapagkuwentuhan ang ilan sa mga artistang namataan namin, katulad ni Jolina at singer na si Kyla.

Ilan pa sa kilalang personalidad na namataan ng PEP ay sina Mark Bautista, Jonalyn Viray, at ang 24 Oras anchorwoman na si Mel Tiangco.

Sina Kyla, Mark, at Jonalyn ay ilan sa mga napiling aawit sa Catholic wedding ceremony nina Heart at Chiz bukas ng hapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pasado alas-dos na ng tanghali nang makarating ang writer na ito sa Balesin, kaya't tanging si Senator Chiz na lamang ang naabutan namin sa Royal Villa na todo ang pag-aasikaso sa guests.

Si Heart naman ay kasama ang mga kapatid sa assigned room ng mga ito, upang makapagpahinga sandali bago ang birthday party/despedida de soltera/welcome party na gaganapin bandang alas-siete ng gabi.

Nauna nang naibalita ng PEP na si Senator Chiz ang hands-on pagdating sa kaliit-liitang detalye na may kinalaman sa kasal nila Heart—mula sa schedule ng pagdating ng mga inaasahang bisita at ang kani-kanilang assigned villas sa Balesin hanggang sa preparasyon para sa floral set-up at program flow ng wedding ceremony.

Sabi pa ni Chiz tungkol dito, “It lessens the tension. It lessens the headache on your wedding day.”

READ: Senator Chiz Escudero gets busy like no groom can: "Halos ako lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN