Aicelle Santos hints at cause of rift with La Diva colleague Jonalyn Viray: “It’s from an outside force.”

Aicelle Santos sheds light on La Diva breakup, denying that the friction started within the group. She says, “Well, hindi sa amin, it’s from an outside force.”


Isa sa maituturing na mahusay na mang-aawit sa ngayon ang Kapuso na si Aicelle Santos. Pagkatapos niyang mag-place bilang first runner-up sa Pinoy Pop Superstar, nakilala na si Aicelle bilang miyembro ng grupong La Diva.

Ang dalawa pang miyembro ng La Diva ay si Jonalyn Viray at Maricris Garcia.

Nakilala rin si Aicelle sa teatro sa pamamagitan ng Rak of Aegis ng PETA. Magsa-sampung taon na rin siya sa industriya, pero sa February 25 pa lang magaganap ang kauna-unahang solo concert niya na pinamagatang “Class A,” kunsaan special guests niya sina Regine Velasquez, Kyla, Gian Magdangal at Celeste Legaspi.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Aicelle noong February 11 sa PETA Theater sa Quezon City, naitanong namin sa kanya kung nakaramdam ba siya ng lungkot sa breakup ng La Diva?

“There’s nothing to be sad about that,” pahayag naman niya.

“Sa rami ng magagaling na singers sa Pilipinas, yung iba, nawala na sila.

“So I feel very lucky na nandito pa rin po ako at kahit papaano, nakakagawa pa rin ako ng maski maliliit na bagay.”

Marami sa kanilang “legit” na mang-aawit ang naunahan na halos ng mga non-singers na magkaroon ng solo concert sa malalaking venue.

Anong opinyon niya dito?

“I don’t wanna blame the market. Pero nasa phase ng tao yun, e. Kung nakararami, yun talaga ang taste, lucky for them, ‘di ba?” natawa niyang sabi.

CLASS A. Ano ang kahulugan ng titulo ng concert niya?

“Class A, it stands for Class Aicelle, Class Act. Well, because recently I was awarded Best Actress, kaya gusto nating konting bumuhat na class actress, ganyan,” nakangiti niyang sabi.

Aiselle won Best Actress in a Musical for her performance in Rak of Aegis at the 2014 Aliw Awards.

Maituturing ba niyang kabilang na siya sa Class A?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, I would want to say that kasi Aicelle ang pangalan ko,” natawa niyang sabi.

“Ang character ko sa Rak of Aegis, Aileen naman ang pangalan niya.”

Diretsahan naman naming tinanong si Aicelle kung sa mga manliligaw na lalaki, puwedeng-puwede ba niyang sabihin sa mga ito na isa siyang “Class A?”

“Well, kanya-kanyang preference naman po ‘yan. If they like a girl with a talent, baka ako yun. If not, it’s not me,” pagpapakumbaba niyang pahayag.

BACK TO HER ROOTS. Noong umarte siya sa teatro, natutunan daw niya itong mahalin. Pero tulad ng ibang mang-aawit, pagkanta pa rin daw talaga ang gusto niyang balik-balikan.

Sabi niya, “Noong na-conceptualize ang concert, sabi ko, I’ve done theater.

“I would always love to do theater pero gusto ko rin bumalik sa who I am as a singer. Kaya I’m also out with a new single, very timely.”

THANKFUL FOR LA DIVA. Yung pagiging miyembro niya ng La Diva, kasama sina Jonalyn at Maricris, malaki ba ang naitulong nito sa career niya?

“Yes, opo, it helped me in showbiz. Kasi may time na namayagpag talaga kami. Malaking tulong, malaking tulong talaga,” pag-amin niya.

Pero hindi nagtagal na “solid” ang grupo nilang La Diva. Nang mawala yung grupo nila, ano ang naging epekto nito sa kanya?

“Nagising ako,” lahad niya.

“I realized that I had to do something.”

May nagtanong dito kung “bangungot” ba ang naging dating sa kanya?

“Hindi, hindi po,” paglilinaw niya.

“Mararamdaman mo naman kasi kung maayos ang career mo, but when I feel na hindi na kami masyadong nagpe-perform together, that’s when I thought of auditioning for musicals.

“And then, kinagat ako ng musical and that’s a good move.”

READY TO SETTLE RIFT? Sa kanilang tatlo, sila ni Maricris ang nakikitang magkaibigan pa rin. May isyu naman daw sila ni Jonalyn, dahil hindi raw sila nakikitang nagkakasama o nag-uusap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balak ba silang ayusin ang anumang hindi nila pagkakaunawaan at pag-usapan na nga ang mga dapat nilang pag-usapan?

“Actually, hindi ko rin ho nagagawa ‘yan even to my closest girlfriends. Minsan, kapag nagkita, 'O, anong nangyari?' Ganun lang.”

Paano na lang ang pagiging malapit nilang magkaibigan?

“I think it would come,” nakangiting sabi niya.

Paano kapag nagkikita sila ni Jonalyn? Dedmahan?

Sagot niya, “No, we say ‘Hi.’ We're very civil.”

May nangyari talagang isyu sa kanila kung ganun…

“Well, hindi sa amin, it’s from an outside force,” saad niya.

NEXT JAYA? Tuwang-tuwa naman si Aicelle sa naging karanasan niya noong nakaraang Sabado kunsaan, siya ang nanalo sa Eat Bulaga! nang gayahin niya si Jaya.

“Ang saya no'n!” natatawa niyang sabi.

“Bagong experience. Noong ininvite ako for that, sabi ko, ha? Alam kong nagti-teatro ako, pero yung impersonation, parang hindi ko pa kaya. Pero nang mangyari, sabi ko, puwede pala, puwede.”

Tanggap naman niya kung sakali at sabihan siyang “next Jaya?”

“I’d be honored,” mabilis naman niyang sagot.

“Idol ko talaga si Ate Jaya at yung sound niya, very unique.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN