Mariel Rodriguez and Robin Padilla spend V-Day in Mamasapano battlefield to visit civilian casualties

Mariel Rodriguez on her surprise Valentine’s date with Robin Padilla: “I didn’t get flowers for Valentine’s but instead, I got this experience for the soul.”


Para sa karamihan ng mga artista, kadalasang nakikita sa kanilang mga social media accounts ang sari-saring litrato ng mga lugar, pagkain, regalo o iba't ibang paraan kung paano nila ipinagdiwang ang Araw ng Mga Puso.

Base sa ipinost ni Mariel Rodriguez sa kanyang Instagram, sadyang naiiba ang kanyang naging karanasan nitong nakaraang Valentine's Day.

Noong February 13 ay tinanong daw siya ng kanyang mister na si Robin Padilla kung game ba siya sa kakaibang Valentine’s. At kahit na wala raw siyang ideya kung ano ang tinutukoy ni Robin na kakaibang pagdiriwang ng Valentine’s Day, “game” na raw agad ang naging tugon niya rito.

Yun pala, sasakay sila ng eroplano at pupunta sa Mamasapano, Maguindanao—sa mismong lugar kunsaan nagkaroon ng enkuwentro ang mga nasawing miyembro ng SAF (Special Action Force) na tinaguriang Fallen 44.

Kilalang ipinaglalaban ni Robin na hindi sagot ang giyera o digmaan lalo na sa ilang lugar sa Mindanao kunsaan marami sa mga ito ay mga civilian na Muslim na nadadamay.

Sa isa nga sa naging post ni Mariel, may larawan sila na kuha sa Sharif Aguak, Maguindanao at may caption na, “no to war yes to peace,” kasunod ang hashtag na Real Hearts Day.

Ipinakita rin ni Mariel sa pinost niyang larawan sa Instagram ang tila masayang pagsalubong kay Robin ng mga kapatid niyang Islam.

Sabi ni Mariel sa Instagram post niya, “Robin visits his brothers and sisters in Islam.”

MARIEL'S POST. At para mas maging malinaw, lalo na sa mga followers niya sa kanyang Instagram account kung bakit kahit Valentine’s Day ay nasa Maguindanao sila ni Robin, isang mahabang caption ang pinost ni Mariel sa ilalim ng kanyang larawan sa isang lugar sa Malungon, Sarangani Province.

Nakasaad sa post ni Mariel na, “Yesterday Robin asked me, 'Game ka ba sa kakaibang Valentines?' without asking what it was, I immediately said, 'game!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Later on, I found out I was going to Mamasapano to visit the civilian casualties of the war. Honestly, I was a bit scared that it might not be safe then I thought Robin would never put my life in danger.

“So today, we took an early flight to General Santos City and headed to Mamasapano. I saw a lot of men holding long guns [terrified me to tell you the truth], I was a few miles away from the battlefield and most of all, I saw the smiles on the faces of the civilians who felt special that we visited them and choose to spend valentine’s day with them… that was priceless.

“I didn’t get flowers for Valentines but instead, I got this experience for the soul.: #RealHeartsDay."

ROBIN'S COMMENT. Nagbigay naman ng kanyang comment si Robin sa pinost na yun ni Mariel: “The most beautiful woman, no make up outside @marieltpadilla not made up inside…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN