Aiza Seguerra on defaced pro-gay billboard: "Tatakpan n’yo just because they’re both guys? ’Tapos tayo, magpapakita tayo ng nagpapatayan sa news, okay lang?"

Buwelta ni Aiza Seguerra sa ginawang pagtakip sa holding hands ng gay couple na sina Vince Uy at Niño Gaddi sa isang billboard: “What’s so wrong about that? Just because they’re holding hands, tatakpan n’yo just because they’re both guys? ’Tapos tayo, magpapakita tayo ng nagpapatayan sa news, okay lang?”


Nagbigay ng opinyon si Aiza Seguerra sa isyu ng pagtakip sa magkahawak na kamay ng gay couple na sina Vince Uy at Niño Gaddi sa billboard ng isang local clothing brand.

Ang billboard, na matatagpuan sa Edsa, ay para sa Love All Kinds of Love campaign, na sumusuporta rin sa lesbian, gay, bixesual, and transgender (LGBT) community.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media si Aiza sa Love Is In The Air concert ng Jeepney TV sa Clark Field Pampanga nitong Valentine's Day, February 14.

Tinanong ng PEP ang singer kung ano ang masasabi niya sa ginawang pagtatakip sa magkahawak-kamay na dalawang lalaking models ng Bench.

“Yes, I saw and I think I posted something about it,” simula ni Aiza.

“I applaud Bench for being so bold... well [but] who did it?” tanong ni Aiza, pagtukoy sa pagpinta ng itim na pintura para matakpan ang holding hands ng dalawang lalaki sa billboard.

“Kasi dun ako [concerned]. I think I saw an interview from the Ad Board or whatever na sinabi naman nila, pinayagan naman nila [ang billboard], so I don't know.

“So para sa 'kin, parang it only goes to show that there are a lot of bigots and a lot of people who still discriminate.

“Kasi, what's so wrong about that? Just because they're holding hands, tatakpan n'yo just because they're both guys?

“Sorry ha, 'tapos tayo magpapakita tayo ng nagpapatayan sa news, okay lang?

“'Eto they're showing love, tatakpan natin?” ani Aiza na nasa isang same-sex relationship din at ikinasal noong nakaraang taon sa beauty-queen-turned-actress na si Liza Diño.

“So yun yung tipong kontekstong baliko sa isip ko na, okay lang if we show sa diyaryo na patay, ni-rape.

“Pero ito, people loving each other, tatakpan niyo? Why? Just because they're both guys?” buwelta ng singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Related articles: Celebrities express dismay over defaced pro-LGBT ad campaign

Is Bench's #LoveAllKindsOfLove billboard "too gay"?


CELEBRITIES SHOW SUPPORT. Binanggit naman ng PEP kay Aiza na sa kabila nito, maraming netizens, kabilang na ang mga artista, ang sumuporta sa nasabing campaign para sa equality at bumatikos sa bandalismo.

Ilan lamang dito sina Lea Salonga, Gretchen Barretto, Iza Calzado, Solenn Heussaff, Sunshine Dizon, John “Sweet” Lapus, at IC Mendoza.

“Actually, do'n nga ako natutuwa. Siguro yun nga, kumbaga, there are always two sides naman. Yes, marami pa ring nagdi-discriminate, marami pa ring nang-pu-put down sa LGBT, pero natutuwa ako na marami ring tumatawa para sa amin, para sa ating lahat na, 'Ano'ng mali? Nagmamahalan kayo, ano'ng mali?'" pagpapatuloy ni Aiza.

“And I'm happy that these people, sila yung talagang respetado, sila yung mga alam mo na yung pinanggagalingan nilang stand ay educated, at alam mo na ginagawa nila ito dahil naniniwala sila sa pag-ibig, so happy ako do'n.”

NEED FOR RESPECT. May panawagan naman si Aiza sa mga taong hindi pa rin tanggap ang ganitong klase ng relasyon sa lipunan.

Aniya, sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala, sana magkaroon ng respeto.

“Sana umabot tayo sa maturity na maisip natin na lahat tayo iba-iba ng pagpapalaki. Iba-iba ng personalidad, lahat tayo different individuals.

“We believe in so many different things and that's fine. If you don't agree with same-sex relationship, that's fine.

“But learn how to respect as much as we respect your opinion about us.

“Respect ours, too. Respect our stand, respect that we are fighting to be seen as equal sa inyo. Respect that also.

“Hindi naman namin ipinapakita na, 'Hindi, kami'y ganito...' Don't shove it also sa mukha namin na, 'Mali kayo, mali kayo!' Huwag.

“Kasi kapag lahat tayo magpapataasan ng ihi at sabihin na, 'Hindi, tama kami!' o 'Tama rin kami!' Wala, walang mangyayari sa atin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So recognize each other's differences, but [if you] learn how to respect that, siguro we'll live better.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN