Aiza Seguerra reveals that she and partner Liza Diño still experience discrimination

Aiza Seguerra and Liza Diño used to just grin and bear it, when they were bashed for being a same-sex couple. These days, they’ve decided to speak up: “Before ugali namin, we shut up. Sige lang, hayaan... Pero sa panahon ngayon, kung gaano kagarapal yung mga namba-bash sa amin, as in umaabot sa point na, ’Sana rape-in kayong dalawa para ganito, ganyan-ganyan...’ Ganon... ’Papatayin na ’yan!’ Ganon. Kailangan din naming


“When we got married, tsaka dumating ang mga blessings. So I think we're on the right track,” ito ang natutuwang kuwento Aiza Seguerra nang tanungin siya kung may pagbabago ba sa buhay nila ni Liza Diño mula nang ikasal sila noong December 2014.

“Ang sarap, ibang klase. It's not that different from before, when we were still boyfriend-girlfriend, kasi we stayed together.

"Pero ngayon, merong comforting feeling na no matter what, you'll always have someone. It feels good,” paliwanag ni Aiza nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment press sa Love Is In The Air concert ng Jeepney TV sa Clark Field Pampanga nitong February 14, Valentine's Day.

Bukod sa kanyang mga commitments, sinabi ng singer na maglalabas na siya ng kanyang bagong album, bandang March or April at ire-revive niya ang mga likha ni Ryan Cayabyab.

Samantala, maging ang partner niyang si Liza ay unti-unti na ring nagtatagumpay sa larangan ng pag-arte.

Kamakailan, ginawaran si Liza ng Best Actress Award sa Ani ng Dangal Award para sa independent movie na In Nomine Matris.

“Ang sarap ng pakiramdam. Sa totoo lang sabi ko nga sa kanya parang feeling ko ako ang nanalo. Seeing her up there in her element, and I know how good an actor she is. Sobrang wow lang.

“Number one fan ako, e. Parang ako ang nanalo sa sobrang proud, sobrang saya ko everytime she is given an award in acting.”

DISCRIMINATION. Sa kabila ng magandang katayuan ng kanilang relasyon, hindi itinanggi ni Aiza na may mga tao pa ring nagdi-discriminate sa same-sex relationship nila ni Liza.

Sa kanilang dalawa, mas higit na apektado raw si Liza.

“Well, Liza and I, siguro kami rin laging nakaka-experience ng ganito day in and day out, especially her.

“Until now, it still doesn't sit well with her. She still feels strongly about it [discrimination]. She cries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako siguro kapal na lang ng mukha na ever since bata ako, I would go through it na.”

Paano niya sinusuportahan si Liza sa mga ganitong pagkakataon?

“I'm just there."

Ikinuwento rin ni Aiza kung ano ang ginagawa nila kapag may bashers.

“Before ugali namin, we shut up. Sige lang, hayaan... Pero sa panahon ngayon, kung gaano kagarapal yung mga namba-bash sa amin, as in umaabot sa point na, 'Sana rape-in kayong dalawa para ganito, ganyan-ganyan...' Ganon... 'Papatayin na 'yan!' Ganon. Kailangan din naming magsalita.

“And then if she feels strongly about something, I let her speak,” na si Liza ang tinutukoy.

“Kumbaga kasi parang normally ang gagawin, since personality kayo pareho, 'Love, hayaan mo na, kasi baka isipin ganito tayo.' Hindi, magsalita tayo. Kasi sila, ang lakas nila magsalita. Ba't kami tatahimik? Iisipin nila talo kami? Hindi.

“Kung ano ang sasabihin nila, we'll just take it, because ayaw namin na mapulaan kami? No. We'll speak our minds, too.”

ADVICE TO GAY COUPLES. Mayroon namang payo si Aiza sa mga katulad nilang gay couples na dumadaan sa mga diskriminasyon sa lipunan.

“You get strength from each other, especially sa mga panahon na mababa yung isa. Iangat niyo yung isa't-isa, kasi walang tutulong sa inyo kundi kayong dalawa rin.

“At the same time, may mga kaibigan kayong totoo. Gather strength from them and believe that what you have, what you share, is beautiful.

“Kasi, if you start to believe those people na nagsasabing, 'Mali 'yan, pangit yung ginagawa ninyo.' If you start believing kung ano ang sinasabi nila, madadala kayo.

"So maniwala kayo, na ang meron kayo, e, pagmamahal na maganda, karapat-dapat.”

Marami mang basher, hindi raw sumagi sa isip ni Aiza na tanggalin ang kanyang social media accounts.

“If I do that, ibig sabihin talo ako, nagpadala ako at ayoko. Ito nga, e, we are fighting for our right to be acknowledged as a married couple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So ito, because of a basher idi-delete ko ang social media ko? Hindi. Magpo-post pa ako ng maraming hinahalikan ko siya, na masaya kami.”

Binanggit ng PEP na dahil sa hindi sila natakot ni Liza na ipakita sa mundo ang kanilang pagmamahalan, marami siyang na-inspire na miyembro ng lesbian, gay, bisexual, and transgender community.

“Incidental. I never intended to be an advocate, but of course, we advocate our rights, pero to be that person? No.

"Kasi iba-iba yung battles natin, pero if it's because of our relationship that a lot of people are inspired, marami na ang nagiging open, marami na ang nagiging brave, then we're happy that that's happening.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN