Vice Ganda urges Jam Sebastian to keep up the fight against cancer

Vice Ganda recently visited lung cancer patient Jam Sebastian in the hospital. The TV host has urged the former YouTube sensation to keep the faith: “Wag kang bibitiw kasi lahat sila dito hindi bumibitiw, kaya dapat ’di ka rin bibitiw. Miracles happen every day, isa diyan para sa iyo kaya ’wag siyang mawawalan ng pag-asa.”


Binista kamakailan ni Vice Ganda sa ospital si Jam Sebastian na ngayon ay patuloy na nakikipaglaban sa stage 4 lung cancer.

Si Jam at ang kanyang girlfriend na si Michelle Liggayu ay ang YouTube sensations na nakilala dahil sa kanilang viral videos tungkol sa pag-ibig.

Kamakailan ay nanawagan ang ina ni Jam na si Mrs. Maricar Sebastian at si Michelle, sa TV host/comedian na sana ay dumalaw ito sa ospital na naging kahilingan ni Jam.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Vice noong nakaraang Miyerkules sa It’s Showtime ay kinuwento ng TV host ang naging karanasan niya nang dinalaw niya sa ospital si Jam.

“Masaya, masaya siya. Sabi nga ng nanay niya, saka nung girlfriend niya, ang tagal na naming 'di nakikita yung ngiti ni Jam saka bihira na kasi siyang magsalita.

“Pero that time, noong dumalaw ako, ang dami niyang kinukuwento.

“Kuwento siya nang kuwento. Tuwing nanonood siya ng Showtime ay tawa siya nang tawa. Tuwing nanonood siya ng GGV [Gandang Gabi Vice] nag-iiyakan naman sila.

“Sabi ko, 'Ayoko ng ganyan. Dapat 'di tayo umiiyak, dapat nagse-celebrate tayo kasi may life, at dapat sine-celebrate yun.

“'Dapat 'di ka bumibitaw, hangga’t may chance tayo na tumawa at ngumiti, tumawa at ngumiti tayo, 'wag muna tayong umiyak.'”

KRIS WANTED TO COME ALONG. Ayon kay Vice ay matagal na pala silang magkakilala ni Jam dahil minsan na itong nag-guest sa show niyang Gandang Gabi Vice kasama ang girlfriend nitong si Mich. Kinuwento rin ng TV host na dapat pala ay kasama niyang dadalaw sana ang kaibigang si Kris Aquino.

“Si Gretchen Fullido nag-forward sa akin ng message, yun nga daw yung Mama (Maricar) ang nagsabi na wish ni Jam na makita ako uli, si Kris, ganyan-ganyan.

“Pati sa Twitter, ang daming nagsabi sa akin na 'Wish ni Jam na makita ka po, baka puwede mong bisitahin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung nalaman ko yun, tsinek ko kaagad yung schedule kasi kakilala ko rin naman siya.

“Nag-guest sila isang beses sa akin sa GGV, nung season 1 pa 'tapos binigyan nila ako ng kabayo na fiber glass na malaki.

“Nakalagay sa terrace ng bahay namin yun, kabayong puti, kaya nung nalaman ko na gusto niya akong makita, tsinek ko agad yung schedule ko para pumunta.

“Nag-usap kami agad ni Kris, 'Asawa punta tayo, ganito, ganyan.'

“Nung pumunta kami ng Friday, biglang ang traffic, 'di kami natuloy ni Kris, kaya sabi ni Kris, 'Monday na lang tayo pumunta.'

“Kaso, 'di ako puwede ng Monday, Saturday na lang. Kaya nauna ako, nagpunta ako nung Saturday.

“As far as I know pupuntahan siya ni Kris kasi tinawagan din ako ni Kris, kailan daw ba ako pupunta? Puntahan namin.”

KEEP UP THE FIGHT.” Balita ring humiling na si Jam sa kanyang pamilya ng euthanasia o mercy killing para matapos na ang sobrang hirap at sakit na dinadanas niya dahil sa stage 4 cancer. Binigyan naman ni Vice si Jim ng lakas ng loob na hindi ito dapat sumuko.

“Siyempre nakakalungkot kasi nakita ko nung masiglang-masigla siya, nakita ko siya nung lagi siyang nakangiti, masigasig silang gumawa ng video, ang dami nilang pinapasayang tao kaya nung sinabi niya na gusto na niyang tapusin, nalungkot ako.

“Pero nung nagpunta ako nung araw na yun, 'di ko nakita yun sa mukha niya, parang fight siya uli.

“Sabi ko sa kanya, 'Wag kang susuko, ha? Kasi ang dami naming kasama mo, kapit-kapit lang tayo.

“'Wag kang bibitiw, kasi lahat sila dito hindi bumibitiw. Kaya dapat di ka rin bibitiw. Miracles happen every day, isa diyan para sa iyo kaya 'wag siyang mawawalan ng pag-asa.

“'Kaya Jam, kapit lang. Tulad ng sinabi ko sa iyo, keep the faith and feel the love na binibigay sa iyo ng napakaraming tao.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WILLING TO BE JAMICH'S WEDDING SPONSOR. Naisulat din na mismong si Mich ang nag-propose kay Jam para maging engaged sila. Agad namang umoo sa amin si Vice nang tanungin namin kung papayag ba siyang kunin na ninang ng dalawa kung sakaling magpapakasal ang mga ito.

“Oo, kasi engaged na sila, they plan to get married. Sabi ko nga sa kanya, 'O, pagaling ka na para pakasal na kayo, 'tapos sumayaw na tayo uli sa GGV. Gumawa tayo ng video uli.

“Kung kunin nila akong ninang? Oo naman, go!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN