German "Kuya Germs" Moreno excited to get back to work; continues therapy

Kuya Germs thanks his friends and supporters who have visited him and showed their concern during his stay at the hospital: “Gusto kong kunin ang pagkakataong ito para pasalamatan ang lahat ng tao na nagdasal para sa mabilis kong paggaling.”


Muling narinig sa radyo ang tinig ng Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno nang mag-live phone patch ito last February 13 ng alas-tres ng hapon.

Matagal ding hindi napakinggan ang radio-TV host sa kanyang programa mula nang nagkaroon siya ng mild stroke.

Ramdam na ramdam ang pagka-miss ni Kuya Germs sa kanyang programa.

At kahit nga dahan-dahan ang pagsasalita nito ay naiparating niya sa lahat ang kanyang taus-pusong pasasalamat.

Wika ni Kuya Germs, “Gusto kong kunin ang pagkakataong ito para pasalamatan ang lahat ng tao na nagdasal para sa mabilis kong paggaling.

“Pinasasalamatan ko ang mga bossing natin sa GMA, kay Atty. Felipe Gozon, Ma'am Annette [Gozon-Abrogar], Joey Abacan, Ma'am Lilybeth Rasonable, Tracy, at sa lahat-lahat ng 'di ko nabanggit, maraming salamat.

“Sa aking fairy godmother, Ma'am Alice Eduardo, Mama Nene at Aya Talampas, sa mga anak-anakan kong sina Sheryl Cruz, Manila Vice Mayor Isko Moreno, Sharon Cuneta, Billy Crawford, at sa ating nag-iisang Superstar na si Nora Aunor at sa lahat ng bumisita sa akin.

“Salamat din sa mga anak-anakan ko sa Walang Tulugan [With the Master Showman] na patuloy akong pinagdarasal.

“Nagpapasalamat din ako sa mga fans na patuloy na tumatangkilik ng Walang Tulugan."


PROMISE. Nangako rin si Kuya Germs na malapit na siyang bumalik sa trabaho pagkatapos ng mas masusing therapy.

“Konting hintay lang dahil malapit niyo na akong mapakinggan.

“At tuwing Sabado naman ay malapit niyo na akong mapanood sa Master Showman at sisigaw tayo ng 'Walang tulugan!'

“Nami-miss ko na ang mag-work, kaya nagpapagaling na ako para sumabak na muli sa trabaho.”

Sa ngayo ay dire-diretso pa rin ang pagte-therapy ni Kuya Germs para bumilis ang paggaling nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN