Heart Evangelista cries over father’s letter on her wedding day

Isang liham mula sa kanilang ama na si Reynaldo Ongpauco ang inihandang sorpresa ng mga kapatid ni Heart Evangelista na sina Camille Ongpauco, Michelle Ongpauco, at Lissa Quirino para sa Kapuso actress sa wedding reception nila ni Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club.


Naiyak si Heart Evangelista nang mapakinggan ang nilalaman ng sulat na ipinadala ng kanyang ama na si Reynaldo Ongpauco.

Ito ang inihandang sorpresa ng mga kapatid ni Heart na sina Camille Ongpauco, Michelle Ongpauco, at Lissa Quirino para sa Kapuso actress sa wedding reception nila ni Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club.

Ang liham ay binasa ng kanilang pinsan na si Happy Ongpauco.

Hindi man idinetalye ni Mr. Ongpauco ang dahilan kung bakit hindi siya nakarating sa kasal ng newly-married couple, inamin nitong ang totoo ay nais niyang makapiling ang bunsong anak sa araw ng kasal nito.

Sabi ni Mr. Ongpauco sa isang bahagi ng liham: "Alam mo, anak, gustung-gusto kita ihatid sa altar.

"Sino ba naman ang ama ang ayaw makita ang anak sa pinakaimportanteng araw ng buhay niya?

"A lot of things has happened that hindered us from going."

Base sa sulat, hiniling din ni Mr. Ongpauco na alagaan nang mabuti ng senador si Heart lalo na ngayong mag-asawa na sila.

Sa huli, nagpahiwatig ang ama ni Heart na darating ang tamang panahon kung kailan magiging maayos din ang kung anumang hindi pinagkakasunduan ng aktres at ng kanyang mga magulang.

Sabi pa ni Mr. Ongpauco, "This is my promise: when the day comes thay I see both of you truly happy; when I see Chiz loving you the way you deserve to be loved, I will come knocking on your door."

Hindi direktang sinabi sa programa ang tunay na dahilan ng hindi pagdating ng mga magulang ni Heart.

Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng publiko na noong nag-uumpisa pa lang ang relasyon ng dalawa ay mariing tinutulan ng ina ni Heart na si Cecile Ongpauco ang relasyon ng magkasintahan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN