Anne Curtis acknowledges Lea Salonga’s latest comment about her singing

“I think it’s because showbiz news peeps are making big deal out it. Deadma na lang!” Anne Curtis says about Lea Salonga’s comment about her singing skills.


Nagpasalamat si Anne Curtis kay Lea Salonga dahil sa bagong komento ng Broadway Diva sa pagkanta ng aktres sa episode ng The Voice of the Philippines noong nakaraang linggo.

Read: Lea Salonga on Anne Curtis: “She's still not a singer.”

Muling binanggit ni Coach Lea ang kanyang komento tungkol kay Anne noong Huwebes, February 12, nang isang follower ang nag-react tungkol dito.

Sa kanyang reply, sinabi ng Tony-winning singer-actress na walang masama sa kanyang sinabi tungkol kay Anne.

Dahil dito, nagpasalamat si Anne kay Coach Lea.

Kasunod nito, biniro ni Lea si Anne tungkol sa microphone na ginamit niya sa performance nila ni Bamboo sa The Voice.

Patawang sumang-ayon si Anne kay Lea. Pagkatapos ay binanggit niyang hindi na dapat maging isyu pa ang anumang komento tungkol sa kanyang pagkanta.

Sa huli, sumingit naman nang pabiro ang The Voice host na si Luis Manzano sa usapan nina Lea at Anne.

Ang usapang ito ay naganap bago ang birthday performance ni Anne sa It's Showtime, kung saan paos niyang kinanta ang hit song ni Sia na “Chandelier.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN