Chiz Escudero on Heart Evangelista’s parents: “Mahal at tinatanggap ko sila dahil bahagi sila ni Heart.”

Chiz Escudero’s message to Heart Evangelista’s parents: "Pero nais kong sabihin mahal at tinatanggap ko sila dahil bahagi sila ni Heart, hindi kailanman puwede alisin yun. Ano man ang nangyari o ano man ang mangyari, bahagi siya palagi," said Chiz in response to the surprise letter from Heart’s dad Reynaldo Ongpauco.


Hindi man nakarating ang mga magulang ni Heart Evangelista sa araw ng kanyang kasal, may inihandang sorpresa ang mga kapatid niyang sina Michelle, Camille, at Lissa Ongpauco para sa aktres.

Ito ay ang sulat na ipinadala ng ama ni Heart na si Reynaldo Ongpauco na naghahayag kung gaano nito kamahal ang aktres at ang hirap na nararamdaman nito dahil hindi ito nakarating sa “pinakaimportanteng araw sa buhay” ng anak.

Read: Heart Evangelista cries over father's letter on her wedding day

Base sa sulat ay hiniling din ni Mr. Ongpauco kay Chiz na mahalin at tanggapin nang “buong-buo” si Heart bilang kabiyak ng senador.

Sabi pa nito, “Take care of her and love her unconditionally. Just like her mom and I love her unconditionally.”

Si Michelle ang dapat sana’y magbabasa ng sulat ni Mr. Ongpauco, ngunit naging emosyunal at napaluha ang kapatid ni Heart.

Kaya naman tinawag na lang nito ang pinsang si Happy Ongpauco upang basahin ang naturang liham.


CHIZ’S MESSAGE TO HEART’S PARENTS. Pagkatapos nito ay biglang pumunta sa harap ng stage si Chiz upang ihayag ang kanyang saloobin tungkol sa mensahe ng ama ni Heart.

Bungad na pahayag ni Chiz: “Sorry, wala sa programa ‘to.

"Kay Mich [palayaw ni Michelle] at kay Happy [Ongpauco], may sagot ako sa tanong.

“Sabi ng daddy ni Heart, mahalagang tanggapin ko siya.

“Oo, gagawin ko siya, ginagawa ko yun.

“Hindi ko lang siya [Mr. Ongpauco] puwedeng tawaging 'Daddy' o 'Tatay' hangga’t hindi niya sinasabi.”

Ayon pa kay Chiz, tinatanggap niya nang buong-buo si Heart at maging ang mga magulang ng aktres.

Ito ay sa kabila ng pagsubok na pinagdaanan nina Chiz at Heart noong nag-uumpisa pa lang ang kanilang relasyon.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na mariing tinutulan ng mag-asawang Reynaldo at Cecile Ongpauco ang pakikipagrelasyon ni Heart kay Chiz noong 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapatuloy ni Chiz, “Pero nais kong sabihin, mahal at tinatanggap ko sila dahil bahagi sila ni Heart, hindi kailanman puwede alisin yun.

“Ano man ang nangyari o ano man ang mangyari, bahagi siya palagi.”

Nagpasalamat din si Chiz sa mga kapatid ni Heart sa suportang ibinibigay ng mga ito, lalo na sa araw ng kasal nila ng aktres.

Aniya, “Kulang man [absence of Heart’s parents], sapat na yun [sisters’ presence] para sa kanya para maging ganap ang gabi naming dalawa.”


HEART’S REACTION TO HER DAD’S LETTER. Pagkatapos magsalita ni Chiz ay sumingit si Heart upang pasalamatan ang mister sa pangunguna nito sa lahat ng preparasyon para sa kanilang kasal, pati na rin sa mga sorpresang inihanda para sa kanya.

“I wanna take this opportunity to say thank you so much to Chiz. This is all you—everything tonight,” sabi ni Heart.

Hindi man direktang nabanggit sa programa, tila kasabwat si Chiz ng mga kapatid ni Heart dahil kakatuwang umalis ang senador sa tabi ng aktres nang ipalabas sa LED screen ang isang video presentation na naglalaman ng family photos ng mga Ongpauco.

Namataan din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na lumapit si Chiz sa manager ni Heart na si Arnold Mendoza at production staff na namamahala sa programa, at tila nagbigay ng last-minute instructions.

Nang bumalik si Chiz sa kanyang upuan, sinenyasan pa niya si Michelle para sa cue ng huli na pumunta sa harap ng stage.

Sa huli, isa-isang pinasalamatan ni Heart ang mga kapatid sa suporta, lakas, at inspirasyon na ibinibigay ng mga ito sa aktres sa kabila ng kanilang “complicated family” issues.

Nabanggit ni Heart na si Michelle ang nagsisilbing "bridge" sa pagitan niya at ng kanilang ama.

Ayon pa kay Heart, si Camille naman ay itinuturing niyang "twin sister" dahil sa pagiging malapit nila at pagbibigay nito ng lakas sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinasalamatan din niya si Lissa na nagsilbing inspirasyon umano ng aktres upang marating ang kinalulugaran niya ngayon.

Watch for GMA Network’s TV special of Chiz Escudero and Heart Evangelista's nuptials slated to be shown on March 1 and 8.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN