PEP EXCLUSIVE. Alma Concepcion writes an open letter to Dody Puno for cutting off their son’s financial support

Pitong buwan daw na pinag-isipan ni Alma Concepcion ang desisyon niyang manawagan sa social media para sa ama ng kanyang anak na si Dody Puno (inset), na hindi na diumano nagbibigay ng sustento sa kanilang 14-anyos na anak. Maaanghang na salita ang binitawan ni Alma sa kanyang posts sa Facebook at Instagram.


“I’m doing this for my son.”

Ito ang deklarasyon ni Alma Concepcion nang eksklusibo siyang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) Martes ng umaga, February 17.

Ito ay kaugnay ng kanyang open letter sa ama ng kanyang anak na si Dody Puno sa Instagram at Facebook na ipinost ng aktres at dating beauty queen kahapon, February 16.

Nakasaad sa open letter ang kanyang hinaing laban sa ama ng anak na si Cobie, 14, na diumano’y pitong buwan nang hindi nagbibigay ng sustento.

Ginawa na raw ni Alma ang lahat ng kaparaanan upang makausap si Dody ngunit hindi pa rin daw sila nakapag-usap, hanggang sa idinaan na lang niya sa social media ang kanyang panawagan para rito.

Si Dody, o Rodolfo Puno, ay dating executive director ng Department of Public Works and Highways at naugnay rin noon sa aktres na si Gretchen Barretto.

Read: Is the Gretchen Barretto-Dody Puno romance really over?

Narito ang open letter ni Alma sa Facebook (published as is):

Open letter to DODY PUNO:

“I tried to talk to you but you closed all channels n refused to talk to me. You cut our sons allowance since july. You ignored my calls. Maybe goin to fb before media should do it. Now its our time to ignore you. I wont allow you to see my son. Ignoring us?,ok will give you a dose of your own medicine. For those who are wondering why im writing on fb, cuz my sons dad has been ignoring my calls n stopped supporting WITHOUT EXPLANATION for 7 months now. Aside from not helping, he also doesnt communicate. Maybe thru fb , this could reach him. Now its your turn to be ignored. buti ka pa you can resign being a father. To all his family n friends go ahead im allowing you to get mad at me as long as you tell Dody. And by the way, your madness is nothing compared to mine. Been keeping this for 7 months now.. Go ahead share the anger with me..
I wouldve hugged & consoled him as a brother had he spoken to me and admit bankruptcy. Yet he chose silence over communication?, what kind of thinking is that?
To those whod wanna talk to me from Dody Punos side, make sure you talk to him before talking to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito naman ang kanyang post sa Instagram:

Open letter to DODY PUNO I tried to talk to you but you closed all channels n refused to talk to me. You cut our sons allowance since july. You ignored my calls. Maybe goin to fb before media should do it. Now its our time to ignore you. I wont allow you to see my son. Ignoring us?,ok will give you a dose of your own medicine. For those who are wondering why im writing on fb, cuz my sons dad has been ignoring my calls n stopped supporting WITHOUT EXPLANATION for 7 months now. Aside from not helping, he also doesnt communicate. Maybe thru fb , this could reach him. Now its your turn to be ignored. buti ka pa you can resign being a father. To all his family n friends go ahead im allowing you to get mad at me as long as you tell Dody. And by the way, your madness is nothing compared to mine. Been keeping this for 7 months now.. Go ahead share the anger with me.. I wouldve hugged & consoled him as a brother had he spoken to me and admit bankruptcy. Yet he chose silence over communication?, what kind of thinking is that? To those whod wanna talk to me from Dody Punos side, make sure you talk to him before talking to me.

A photo posted by Alma Concepcion (@almacconcepcion) onFeb 16, 2015 at 8:11am PST


SEVEN MONTHS. Sa phone interview ng PEP ngayong umaga, tinanong namin ang Bb. Pilipinas-International 1994 kung bakit umabot ng pitong buwan bago niya ginawa ang naturang hakbang.

Paliwanag ni Alma, “During that time, I was reviewing for the board exam, for interior design.

"Hindi ko siya mapansin kasi naka-focus ako sa studies. Ini-ignore ko.

“'Tapos, after I passed, medyo... siyempre I have to face reality na.

"Hindi pa rin, deadma pa rin.

“So ngayon, February na, tapos na akong mag-exam at pumasa…

"Bilang tao, pinatawad ko naman siya.

"Kaya lang, bilang ina, kailangan meron akong gagawin.

“I’m doing this as a mother, not as Alma as the individual, or Alma, the artista.

"This is Alma, the mother."

Dati ba ay automatic na ang pagbibigay ng sustento ni Dody sa kanilang anak?

Tugon ni Alma, “Dati? Well, na-off lang naman siya nung first four years.

"'Tapos itong recent... fourteen years old [si Cobie].”

Ayon pa kay Alma, may share din naman siya para sa pagpapalaki ng anak, pero hindi naman daw puwede na siya lang ang gagastos para rito.

Hindi rin naman daw niya ipinagdadamot ang anak kay Dody.

Saad pa niya, “Ever since, since birth, nagkikita sila every weekend.”

Pero ngayon, dahil sa nangyari, ay pagbabawalan na raw niya ang anak na makipagkita sa ama nito.

Sa huli, sabi ni Alma, “Seven months in the making ‘tong desisyon ko.

“Sa akin, ignore me, we’ll ignore you.”

Hinihintay lang ba niyang mag-reach out si Dody sa kanya?

Sagot ni Alma, “Kahit hindi. Kahit hindi siya mag-reach out.

"It’s up to him. Hindi ko na hawak yun.

"Kung mag-reach out siya o hindi, it’s up to him.

“I’m doing this for my son.”

Ed's Note: Bukas ang PEP sa panig ni Dody Puno kaugnay ng mga pahayag o paratang ni Alma Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN