Supreme Court upholds decision to disqualify ER Ejercito as Laguna governor

Ibinasura ng Korte Suprema ang motion for reconsideration upang baligtarin ang naunang desisyon ng SC noong November 2014 kaugnay ng disqualification ni Laguna Governor ER Ejercito.


Pinagtibay muli ng Supreme Court ang naunang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na patalsikin sa kanyang puwesto si Laguna Governor Jeorge “ER” Ejercito dahil sa overspending noong 2013 elections.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, sa isinagawang en banc session ngayong Martes, February 17, pinal nang ibinasura ng Korte Suprema ang motion for reconsideration upang baligtarin ang naunang desisyon ng SC noong November 2014 kaugnay ng disqualification ni Ejercito.

Paliwanag ni SC Public Information Office chief and spokesman Theodore Te, sa basehan ng pagbasura sa appeal ni Ejercito, “The basic issues raised in the motion for reconsideration had already been passed upon.”

Dagdag pa niya, “No substantial new arguments had been raised to merit a reconsideration.”

Sa orihinal na desisyon noong November 2014, ibinasura ng Supreme Court—sa botong 12-0—ang mosyon ni Ejercito na kumukuwestiyon sa desisyon ng Comelec en banc na diskwalipikahin siya.

Dahil sa kanyang pagkakadiskwalipika, pinalitan si Ejercito ni Vice Governor Ramil Hernandez.

Ayon pa sa ulat ng GMA News Online, diniskwalipika ng Comelec si Ejercito noong May 2014 dahil sa overspending noong May 2013 elections.

Napag-alamang gumastos ang actor-politician ng P6 million para sa isang TV advertisement contract upang palakasin ang kanyang kampanya noong 2013.

Ngunit ayon sa election rules, hanggang P4.5 million lamang ang dapat niyang gastusin sa kabuuan ng kampanya.

Base sa mga dokumento, gumastos si Ejercito ng humigit-kumulang P23.5 million.

Pagkatapos ng desisyon ng Comelec en banc ay nanumpa si Hernandez bilang governor, sa kabila ng pagpilit ni Ejercito na manatili sa kanyang opisina sa provincial capitol habang nagbarikada ang mga tagasuporta niya sa paligid.

Dahil na rin sa payo ng kanyang tiyuhin na si dating Pangulo at ngayo’y Manila City Mayor Joseph “Erap” Estrada, iniwanan ni Ejercito ang kanyang puwesto noong May 30, 2014.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN