Sandara Park reveals her hesitation about doing a project with John Lloyd Cruz

Sandara Park on her hesitation to do a project with John Lloyd Cruz: “Kaya lang, nagwo-worry ako kasi di ba mature na yung mga movies n’ya, yung mga series? Pero ako, feeling ko bata pa ako. Ano kaya ang magandang story?”


Bagamat maganda na ang career niya sa South Korea, bukas pa rin si Sandara Park sa ideyang na gumawa muli ng proyekto sa Pilipinas.

“I would love to do it. Lagi ko namang sinasabi na gusto ko magka-movie sa Philippines ulit,” sabi ni Sandara nang makausap siya ng ilang entertainment reporters sa ginanap na Korea Night: K-Beauty and Fun event ng Korean Tourism Organization, Lunes ng hapon, February 16.

Ayon sa ulat ng Philstar.com, binanggit din ni Sandara ang interes niyang makatrabaho ang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz sa isang pelikula.

“E, di wow! Papa John Lloyd!” sambit ng 30-year-old member ng sikat na K-Pop group na 2NE1 nang mabanggit sa kanya ang tungkol dito.

Dagdag pa niya, “Gustung-gusto ko 'yan kasi talagang I really love his movies and his acting.

“Nakaka-in love yung mata niya kapag umaarte kaya sobrang excited ako 'pag mangyari.”

Gayunman, may pag-aalangan si Sandara sa posibilidad na makapareha si John Lloyd.

“Kaya lang, nagwo-worry ako kasi, 'di ba, mature na yung mga movies niya, yung mga series?

"Pero ako, feeling ko, bata pa ako. Ano kaya ang magandang story?”

Sa kabila nito, may panawagan si Sandara sa movie outfit ng ABS-CBN: “Star Cinema, hintayin ko yun.”

Sa nakaraang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay John Lloyd, sinabi nitong okey lang din sa kanyang makatrabaho si Sandara sa isang pelikula.

“Puwede. Pero tumatanggap ba siya ng trabaho rito? Bakit hindi, that's something different, that's something new,” pahayag ng aktor.

Nagsimula ang ideya na magsama sila sa isang pelikula nang makita ng fans na magkasama sina Sandara at John Lloyd sa larawang kuha mula sa kasal ni Joross Gamboa.

Read: Sandara Park-John Lloyd Cruz movie, you like?

Habang walang activities ang 2NE1 sa South Korea, gagawa ng isang mini-web series si Sandara kapareha ang papasikat na Korean actor na si Kim Young Kwan. Ang title nito ay Dr. Mo Clinic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN