Niño Muhlach determined to make son Alonzo the next child wonder

Ayon sa dating child wonder na si Niño Muhlach, pag-aaksaya lang ng panahon kung magbibida sa pelikula ang anak na si Alonzo (inset) kasama ang mga sikat na artista at maglalaho sa showbiz pagkatapos.


Sa kabila ng matinding kumpetisyon sa child stars sa kasalukuyan, determinado ang dating child wonder na si Niño Muhlach na sa kanyang four-year-old son na si Alonzo ipamana ang bansag na "Child Wonder."

Naging pinakasikat na child star si Niño noong dekada ’70 hanggang ’80, at gusto niyang makamtan ng anak ang natamo niyang tagumpay dati.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Niño kung paano niya ito gagawin, lalo pa’t maraming mga bata ngayon ang mas nauna nang sumikat; kagaya nina Ryzza Mae Dizon, James “Bimby” Aquino-Yap, at Jana Agoncillo ng teleseryeng Dream Dad.

Tugon ni Niño, “Ito yung pananaw ko... after me, wala na talagang child stars na nag-solo talaga ng pelikula, na nagdala ng kanyang sariling pelikula.

“It was always Aiza Seguerra with Tito, Vic, and Joey. Laging may kasamang big star.

“Pero wala talagang nagso-solo na [gaya ng mga pelikula kong] Bongbong, Tempong, Nognog, Enteng Anting, Peter Pandesal, Bruce Liit, Agimat ni Pepe, Pepeng Kulisap… yung talagang siya ang lead talaga.

“Wala po talagang batang gumawa noon kagaya ng ginawa ko.

"Kaya kung naisip ko na mag-aartista si Alonzo, sana maging ganun din yung gagawin niya.

"Hindi lang yung ibang child stars na after ilang movies na nakasama ang bida, 'tapos mawawala na. Parang nagpagod ng oras.

"Mas gusto ko pa siguro na mag-aral na lang siya kung ganun din lang ang mangyayari."

Nakausap ng PEP si Niño sa formal launch ng kanyang anak bilang Viva artist, ngayong Martes, February 17, sa Music Hall, Metrowalk, Meralco Avenue, Pasig City.


Co-managed naman ng Viva ang veteran showbiz columnist na si Aster Amoyo para kay Alonzo.

Sa pinirmahang kontrata ni Alonzo kasama ang Viva Entertainment, magiging co-manager nila ang D’Wonder Films, ang production outfit ni Niño, at siyang magpo-produce sa mga mga iri-remake niyang pelikula para sa anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad pa ng dating child superstar, “Kaya nga po natutuwa ako sa deal ng Viva kasi co-production agreement ng D’Wonder Films at ng Viva.

"Na ipinagkakatiwala po nila sa akin yung pag-produce ng anim na pelikula na 'yon.

"Kung gusto kong idirek, sino gusto kong kuning director, everything... basta buong production, sa akin ipinagkatiwala.

"So, talagang sigurado akong mababantayan ko si Alonzo."

Kabilang daw sa gagawing pelikula ni Alonzo ay ang remake ng 1979 movie ni Niño na Kuwatog, at ang original concept na My Hot and Sexy Mommy kung saan makakasama ng child star si Anne Curtis.


ON RYZZA MAE DIZON. Speaking of child stars, puring-puri naman ni Niño si Ryzza Mae Dizon.

Hindi raw kasi nito inagawan ng “moment to shine” si Alonzo nang magtambal sila sa 2014 Metro Manila Film Festival entry na My Big Bossing at sa talk show ni Ryzza na The Ryzza Mae Show.

Saad ni Niño, “Si Ryzza, tuwang-tuwa ako kay Ryzza nung nagkasama sila ni Alonzo.

"Kumbaga, lagi niyang binibigyan ng sariling time si Alonzo para mag-shine.

“Hindi kagaya ng iba na, child star ka, ‘Puwede kitang hindi pagsalitain sa show ko,’ di ba? Parang, ‘Ako ang bida, di ba?’

"Pero hindi niya ginawa kay Alonzo, talagang alagang-alaga niya si Alonzo.

“She was very nice to Alonzo, tinutulungan niya, kaya bilib na bilib ako sa batang yon.”

Gayunpaman, nilinaw ni Niño na kung siya ang masusunod, mas gusto niyang mag-solo ang anak sa pelikula.

Bukod sa movie projects, mapapanood din si Alonzo sa Wansapanataym nina Coco Martin at Julia Monte at sa upcoming teleserye ni Alex Gonzaga na Inday Bote.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN