Angeline Quinto answers rumors that she got jealous of Erik Santos and K-La Rivera’s closeness

Angeline Quinto on jealousy issue with K-La Rivera: "Ayoko naman kasing isipin ni K-La na nagselos ako kasi malapit ako dun sa tao."


Binigyang-linaw ni Angeline Quinto ang isyung pinagseselosan niya diumano ang pagiging malapit ng rumored boyfriend niyang si Erik Santos sa singer-actress na si K-La Rivera.

Ayon kay Angeline, nakarating sa kanya na nagpadala ng text message si K-La kay Erik na tila nagtatanong kung ano ang pinagmulan ng naturang balita.

Kaya minabuti umano ni Angeline na siya na mismo ang magpaliwanag sa dating kasamahan sa Star Power singing competition.

“Actually, nag-text ako sa kanya.

“Kasi meron akong something na nalaman kasi na nag-text yata siya kay Erik.

“Ako naman yung nagpaliwanag sa kanya.

“Si K-La nag-text kay Erik, then ako, nagpaliwanag kay K-La,” saad ni Angeline sa February 17 episode ng Aquino and Abunda Tonight.

Kuwento pa ng ASAP mainstay, noong araw ring iyon, February 17, nang magpadala siya ng text message kay K-La, ngunit hindi pa ito sumasagot hanggang sa kasalukuyan.

Sabi ni Angeline, “Hindi po [nag-reply].

“Tinext ko ngayong araw at saka bukas.”

Nais kasing klaruhin ni Angeline na walang katotohanan ang isyung pinagseselosan niya si K-La, lalo pa't itinuturing niyang “malapit” na kaibigan ang huli.

Sa ngayon ay wala rin umanong ideya si Angeline kung alam ni K-La ang tungkol sa nabubuong espesyal na pagtitinginan sa pagitan niya at ni Erik.

“Hindi ko po alam. Hindi pa po kami nagkikita ulit, e.”

Nag-ugat ang selosan isyu nang ibunyag ni Erik sa January 20 episode ng Kris TV na nagselos si Angeline nang makita ang “sweet” photo ng binata kasama si K-La noong nakaraang taon.

Tiyempo kasing hindi nakadalo si Angeline sa birthday celebration ni Erik, kung saan imbitado si K-La at iba pang kaibigan ng binata.

Inihayag pa ni Erik na isang linggo siyang hindi kinausap ni Angeline noong panahong iyon.

Ano na ba ang tunay na estado ng relasyon nila ni Erik?

Sagot ni Angeline, “Wala pa po siguro sa panahon na sabihin sa lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tanging masasabi lang daw niya ay hindi pa naman umaabot sa “10” ang rating ng kanilang pagkakamabutihan.

“Papunta pa lang pong eight and a half!” nakangiting sabi ni Angeline.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN