Geoff Eigenmann considers breakup with Carla Abellana the "best and worst thing" that happened to him in 2014
by Rommel Gonzales posted on

Did Geoff Eigenmann say he wanted to get married at 28? Here’s exactly what the 29-year-old actor said about getting married: “Pero hindi natuloy. I was hoping at twenty-eight, but now... "


"I guess the best thing and the worst thing was the breakup."

Ito ang sagot ng Kapuso actor na si Geoff Eigenmann nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang maituturing niyang pinakamagandang nangyari sa kanya noong 2014, at ano rin ang pinakapangit.

Ang tinutukoy ni Geoff sa kanyang sagot ay ang hiwalayan nila ng dati niyang girlfriend na si Carla Abellana.

Dagdag pa niya, “Both… the best and the worst.

"I guess it was a blessing in disguise.

“Worst because it was talked about.

"Something like that should be kept in private, pero it was all over, lahat pinag-usapan.

“And it was also the best thing… blessing in disguise siya.

"Best siya kasi madami akong natutunan sa sarili ko.

“I had the chance to focus on myself, focus on the things I want to do.

"Basically, hindi naman sa reinvent, but find myself again.”


NEVER AGAIN. May bagay bang ginawa niya last year na hindi na niya ulit gagawin ngayong taon?

Sagot ni Geoff, “Just do things better, I guess.

"Yung mga past mistakes, just don’t do them again.

"Live life more positively 'cause I’ve always been a pessimist.

“So, iyon.”

Kung sakaling may offer na project na ang kasama ay si Carla, tatanggapin niya?

Ayon kay Geoff,. “Well... I don’t think GMA will pair us up anytime soon.

“If it does happen, I dunno... anything can happen naman, 'di ba? Bahala na.

"If you ask me, as much as possible, no.

"Ayoko sana, but if it happens, it happens.

"Wala naman kaming choice.”


MARRYING AGE. Best lesson learned daw ni Geoff, “Keep things private.”

Kung hindi sila nag-break ni Carla, sa tingin kaya niya ay nauwi ito sa engagement 'tulad ng ibang couples?

“I don’t think so.

"Hindi naman sa malayo, pero hindi kami yung ano, e, hindi kami…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, for me, if you ask me, ayoko yung nakikisabay?

“So, maybe, if you'll ask me, at least two years after...

"Let things pass, have your own moment together and think things through.”

Marrying age na si Geoff, “Pero hindi natuloy.

"I was hoping at twenty-eight, but now, I’m going with whatever happens."

Twenty-nine years old ngayon si Geoff.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN