Heart Evangelista reveals conversation with dad after her wedding to Sen. Chiz Escudero

Heart Evangelista’s parents also did not attend the wedding reception of the actress and Senator Chiz Escudero, held this Wednesday night, February 18, at the Blue Leaf Filipinas, Belle Avenue, Aseana City, Parañaque City.


Inamin ni Heart Evangelista na nagkausap sila ng kanyang amang si Reynaldo Ongpauco, tatlong araw matapos ikasal ang aktres kay Senator Chiz Escudero sa Balesin.

Ayon sa 30-year-old actress, sapat na sa kanyang marinig mula sa ama na masaya ito para sa kanya.

"Nag-usap na kami kanina.

"Kinongratulate niya ako.

"Sabi niya, 'Happy ako para sa 'yo.'

"Okey na sa akin yun," nakangiting pahayag ni Heart.

Sandaling nakapanayam ng piling entertainment press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang bagong kasal na sina Heart at Chiz sa kakatapos lang nilang wedding reception dito sa Manila.

Ginanap ito sa Blue Leaf Filipinas, Belle Avenue, Aseana City, ParaƱaque City, ngayong Miyerkules ng gabi, February 18.

Matatandaang naging emosyunal si Heart nang marinig ang inihandang sulat para sa kanya ni Mr. Ongpauco sa mismong araw ng kasal nila ni Chiz.

Dito ay nabanggit ni Mr. Ongpauco na may dahilan kung bakit hindi siya nakarating sa "pinakaimportanteng araw sa buhay" ng anak.

Sabi pa ng ama ni Heart: "When I see Chiz loving you the way you deserved to be loved, I will come knocking on your door."

Read: Heart Evangelista cries over father's letter on her wedding day

Umasa ba si Heart na dadalo ang mga magulang niya sa wedding reception nila ni Chiz dito sa Manila?

Sagot ng Kapuso actress, "Hindi na siguro.

"Sobrang dami nang nangyari na magaganda.

"Wala na akong mairereklamo."

Nang tanungin naman si Senator Chiz kung paano nito patutunayan sa ama ni Heart na karapat-dapat ito para sa aktres, ito ang sagot ng groom:

"Hindi ko na kailangan sabihin pa. Para sa kanya na makita at maramdaman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN