Piolo Pascual willing to do kissing scene with Sarah Geronimo: "Okey lang, okey naman sa magulang ko, okay lang sa anak ko.”

Piolo Pascual believes having a loveteam is part of local showbiz culture, “Yun ang formula sa atin. ‘Yan ang hinahanap ng tao, e." He is set to team up with Sarah Geronimo in an upcoming movie, but the actor declines to give details about the story.


Within the year daw ay maipapalabas na ang pelikula nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo under Star Cinema.

Ayaw magdetalye ni Piolo tungkol sa pelikula, pero hindi naman daw ito parang May-December affair dahil 12 years lang ang tanda niya kay Sarah.

Si Piolo ay 38 years old, habang si Sarah ay 26.

May kissing scene kaya sila sa istorya?

Pabirong sagot ng matinee idol, “Si Sarah na lang tanungin mo. Ako, okay lang.

"Okay lang naman sa magulang ko, okay lang sa anak ko.”

Kung mayroon man, kailangan pa ba niyang magpaalam sa boyfriend ni Sarah na si Matteo Guidicelli?

Wika ni Piolo, “Labas na ako dun. Matteo and I are friends.

"I guess we're at an age na hindi naman kailangang magpaalam for anything."


LOVE TEAM. Sa edad niya ngayon, sa tingin ba ni Piolo ay graduate na siya sa pagkakaroon ng mga ka-loveteam sa telebisyon o sa pelikula?

Tugon ng Kapamilya hunk, “Hindi mo naman maiaalis yun, e.

“Yun ang formula sa atin. ‘Yan ang hinahanap ng tao, e.

“For a time, I went indie, parang kasi I just want out of the box.

"But babalik at babalik ka pa rin sa mainstream, e, which is rom-com [romantic-comedy], so I don’t mind.

“Star Cinema gambles, Star Cinema risks.

"And I’m just an actor, I’m just a team player, so I’ll do what is asked of me."


DISTRACTION? Kamakailan lamang ay nasangkot si Piolo sa isang minor bicycle incident sa shoot ng isa niyang endorsement.

Nasugatan ang bahagi ng pisngi ng Kapamilya actor.

Sa pagharap niya sa media noong February 16, sinabi niyang tinakpan muna niya ito ng make-up para hindi masyadong agaw-atensiyon.

Saad ni Piolo, “Nilagyan ko lang ng concealer ngayon, nakaka-distract, e, kasi masyadong pula.

“Pero it should subside soon, naghi-heal naman siya.

"In two weeks, nawala yung scab niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay naman siya, I hope it’s not a distraction.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN