Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Angelica Panganiban wears blue lipstick to show support for Alyssa Valdez and the Ateneo Lady Eagles

by Erwin Santiago
Feb 19, 2015
Angelica Panganiban made good on her promise to wear blue lipstick in support of her favorite ‪UAAP‬ Women’s ‪Volleyball‬ team, the ‪Ateneo Lady Eagles, and its star player Alyssa Valdez‬ during their match against the De La Salle Lady Spikers at the SM ‪MOA‬ ‪Arena yesterday, F

Tinupad ni Angelica Panganiban ang kanyang pangakong magsusuot ng blue lipstick bilang suporta sa paborito niyang UAAP Women’s Volleyball team, ang Ateneo Lady Eagles, sa laban ng mga ito kontra sa De La Salle Lady Spikers sa SM MOA Arena kahapon, February 18.

Ayon sa Facebook post ng YES! Magazine ngayong araw, February 19, talagang “hardcore fan” si Angelica ng star player ng Ateneo Lady Eagles na si Alyssa Valdez.

Nagkakilala ang dalawa nang mag-guest ang volleyball player sa gag show ng aktres sa ABS-CBN, ang Banana Split, noong 2014.

Nagsimula ang pangako ni Angelica na magsusuot siya ng asul na lipstick sa palitan nila ng mensahe ni Alyssa .

Nang i-congratulate ni Alyssa si Angelica para sa pagganap nito sa pelikulang That Thing Called Tadhana, lumabas ang pagka-fan ng aktres at ipinangakong kapag manonood siya ng laro ng Ateneo laban sa DLSU, isusuot niya ang blue jacket na ibinigay ni Alyssa at maglalagay rin siya ng blue lipstick.

Continue reading below ↓

Kahapon, pagkatapos talunin ng Ateneo ang DLSU sa apat na sets, pumunta si Angelica sa locker room ng Lady Eagles at matiyagang naghintay kay Alyssa at sa kanyang teammates na matapos sa kanilang media interviews.

At kagaya ng isang loyal fan, nagpa-picture si Angelica kasama si Alyssa at ang buong Ateneo women’s volleyball team.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nakunan din ng video ang pagkikita nina Angelica at Alyssa sa dugout. Kasama ng aktres ang direktor na si Andoy Ranay.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban made good on her promise to wear blue lipstick in support of her favorite ‪UAAP‬ Women’s ‪Volleyball‬ team, the ‪Ateneo Lady Eagles, and its star player Alyssa Valdez‬ during their match against the De La Salle Lady Spikers at the SM ‪MOA‬ ‪Arena yesterday, F
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results