Anjanette Abayari wants to make a comeback more than 15 years after her drug case

Gusto ni Anjanette Abayari na bumalik sa showbiz kung mabibigyan siya ng magandang projects. Kaya siya nakabalik ng bansa dahil mayroon daw siyang gagawing international film na isu-shoot dito sa bansa.


Pagkatapos masangkot ni Anjanette Abayari sa drug case sa Guam noong 1999, ngayon lang siya muling nakabalik sa Pilipinas.

Sa Amerika tumuloy ang beauty queen-actress pagkatapos ng kaso niya sa Guam, at doon ay pinagsilbihan niya ang community service na kailangan niyang tapusin kaugnay sa naturang kaso.

Kaya sa pagbabalik ni Anjanette sa bansa, may mga ilang isyu siyang dapat sagutin.

Isa na rito ay ang pinag-usapang ibinenta raw ni David Buenavacz ang mga gamit niya nung nasa Amerika siya.

Si David, businessman-athlete, ay naging kasintahan ni Anjanette nang nasangkot siya sa drug case sa Guam.

“Yes, it’s true,” pagkumpirma ni Ajanette sa maikling panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Unfortunately, totoo na may mga gamit ako na ibinenta niya.

“Ang isang Rolex ko, ibinenta niya.

"Ang kotse ko, at gusto pa niya ibenta ang sariling condo… lahat. Basta lahat.

“Mabuti na lang na-recover ng tito ko na general ang kotse, nahanap niya.

“Natuloy ang pagbenta ng car, pero pag-uwi ng tito ko dito para kunin ang ilang gamit ko, nagpatulong siya sa isang tito ko, nabalik sa akin ang car."

Patuloy ng former Darna star, “The Rolex was sold to one of his cousins, I think. Mahal yun, that’s 25,000 dollars.

“Yung condo, buti na lang hindi niya nabenta.

“My lola handled the condo, hindi natuloy ang pagbenta niya.”

Hindi na raw sila nagkita at nagkausap uli ni David kahit nalaman niyang nandun na rin ito sa Amerika kasama si Jessica Rodriguez at ang kanilang mga anak.

Ngayon ay gusto ni Anjanette na bumalik sa showbiz kung mabibigyan siya ng magandang projects.

Kaya siya nakabalik ng bansa dahil mayroon daw siyang gagawing international film na isu-shoot dito sa bansa.

May ilang negosyo rin daw siyang aayusin kaya pabalik-balik siya ng bansa.

Gusto rin daw ng dethroned Bb. Pilipinas-Universe 1991 na mag-pose para sa men’s magazine na FHM kung mabigyan ng pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Special guest si Anjanette sa Startalk sa Sabado, February 21, para sagutin ang ilan pang isyung kinasangkutan niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN