Xian Lim in hot water after allegedly refusing to promote Albay

"I’m not here to promote Albay," Kapamilya star Xian Lim allegedly said after handing him a coffee table book during his recent visit to Albay province.


Muli na namang nasangkot sa kontrobersiya si Xian Lim sa pagpasok ng Chinese New Year.

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang Facebook post ni Albay Governor Joey Salceda tungkol sa pagdalo ng Kapamilya actor sa Fiesta Tsinoy Albay.

Sa Facebook post ni Governor Salceda ngayong Huwebes, February 19, inilahad niya ang naging problema sa pagbisita ni Xian, kung saan tumanggi umano ang aktor na i-promote ang lalawigan ng Albay.

Narito ang buong post ng Albay governor:

"Xian Lim says in my face (Atty Carol) while handing the coffee table book in front of many - 'I'm not here to promote albay.' If his road manager checks his record, Albay paid for his many guestings since way back 2011 when his talent fee was just P75,000 (Ginoo ni Magayon) and now P350,000 for Fiesta Tsinoy Albay. Its either 1. His parents did not raise him well. 2. He had bad education. 3. He is not managed well. 4. His character is inversely proportional to his looks. 5. He is on something."

Hindi pa malinaw kung bakit ganun ang naging pahayag ni Xian.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingin ang panig ni Xian tungkol dito sa pamamagitan ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN na nangangalaga sa career ng young actor.

Subalit sinabi sa amin na maglalabas ng paglilinaw si Xian sa kanyang social media account anumang oras ngayon.

Hindi ito ang unang pagkakataong nasangkot sa kontrobersiya si Xian sa panahon ng pagdiriwang ng Chinese New Year.

Matatandaan na noong 2014 ay naging laman siya ng balita matapos umano niyang sabihan na kamukha ni Bea Binene ang Kalokalike ni Kim Chiu.

Hindi naman nagtagal ay inayos ito agad ni Xian sa mga taong nasangkot.

"Kim Chiu Kalokalike" receives flowers and letter from Xian Lim


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN