Bangsamoro peace advocate to Richard Gomez: “Itigil mo ’yang paghihimok mo ng all-out war.”

“That peace [advocate] got it all wrong again! Im anti-terrorists, period. But to say im anti muslim is stupidity to the highest heavens,” Richard Gomez reacts to Bangsamoro peace advocate’s call to stop supporting all-out war.


Pinakiusapan ng chairperson ng Bangsamoro National Movement for Peace and Development ang aktor na si Richard Gomez na itigil na nito ang panawagan na magkaroon ng all-out war at huwag nang ituloy ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon sa ulat ni Rose-An Jessica Dioquino ng GMA News ngayong araw, February 20, nagkomento si Agakhan Sharief sa mga post ni Richard sa social media tungkol sa pagsuporta niya sa all-out war; pag-scrap ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front; at pagbuo ng BBL.

Read: Robin Padilla, Richard Gomez reveal views on Mamasapano incident; Binoe calls for peace, Goma calls for war

Ani Sharief sa isang press conference, “Nananawagan kami sa 'yo, kapatid na Richard Gomez, na itigil mo 'yang paghihimok mo ng all-out war.

"Pero kung hindi mo kaya, mag-armas ka, ikaw ang pumunta sa Mindanao, 'wag yung mga sundalong ayaw ng gulo."

Pinaalala rin niya na bilang isang public figure, dapat ay maging maingat si Richard sa kanyang pagbibigay ng komento sa mga national issue.

Sabi ng Bangsamoro peace advocate, “Marami pang sinasabi niya na masyadong masakit.

“Tingin namin, hindi 'yon dapat ginagawa ng katulad niya na iniidolo ng ating kabataan."

Dagdag pa niya, “Kaya nga through [the press] siguro maiparating natin sa kaniya na alam namin na emosyonal ngayon, lalo na yung pamilya ng SAF 44, nandoon yung lungkot saka galit.

“Pero dapat tayo—lalo na yung katulad niyang iniidolo sila, tinatawag nating public figure—dapat ang mga statement na nilalabas nila, [about] love, compassion, and mercy, kasi yung mga sinasabi nila, kapag hindi napaghandaan, magdulot 'yon ng masama.”


RICHARD REACTS. Kaugnay nito, nagkomento naman si Richard sa pahayag ni Sharief sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Saad ng aktor: “That peace [advocate] got it all wrong again! Im anti-terrorists, period. But to say im anti muslim is stupidity to the highest heavens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang dami kong kaibigan at mga tinutulungan na muslim pero matino silang kausap.

"Ahh, baka hindi maintindihan ng peace advocate na ito ang mga isinulat ko. Nakita nyo na kunga bakit nagkakagulo?!

"May fencing ba sa Mamasapano? Kalurky!!! hahahahaha!"

Sa kanyang mga nakaraang post, sinabi ni Richard, “Scrap the peace talks, scrap the BBL. Do what Pres Erap did, give them war!”

Nagkomento rin siya sa mga naunaang pahayag ni MILF chief negotiator Mohagher Igbal, kaugnay ng naganap na pagpaslang sa 44 na miyembro ng Special Action Force noong nakaraang buwan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN